• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-21 14:33:41    
Isang overseas Chinese sa Malaysiya, iniabuloy ang pondo para itayo ang Hope Primary School sa Xinjiang

CRI

Si Chen Chengfa ay isang matandang overseas Chinese sa Malaysiya at iniabuloy kamakailan niya ang pondo para itayo ang 3 baylinguwal na Hope Primary School sa wikang Tsino at Uygur sa lunsod Shihezi ng rehiyong awtonomo ng Uygur ng Xinjiang sa dakong hilagang kanluran ng Tsina.

Noong unang dako ng nagdaang buwan, masayang pumasok ang mahigit 3000 guro at mag-aaral ng iba't ibang lahi ng No.1 Primary School ng Shihezi sa bagong tayong paaralan nang simulan ang bagong semestre. Masiglang sinabi ng isang mag-aaral ng lahing Uygur na

"Maganda ang bagong paaralan at gusto kong mag-aral dito. Salamat kay lolo Chen Chengfa na iniabuloy ang aming paaralan. Determinado akong mag-aaral nang mabuti at puspusang magsisikap para matamo ang mas malaking progreso."

Si Chen Chengfa ay isang matandang overseas Chinese sa Malaysiya at dahil sa kanyang makabayang puso, iniabuloy niya ang 900 libong yuan RMB para itayo ang 3 baylinguwal na Hope Primary School sa Shihezi.

Noong Nobyembre ng 2005, pumunta sa lalawigang Fujian si Gu Jinhua, Kalihim ng lupong panlunsod ng Shihezi ng Komunistang Liga ng Kabataan ng Tsina, para dumalo sa isang pulong at sa isang eksidansyal na pagkakataon, nrinig niya na may intension si Chen na iniabuloy para itayo ang 3 baylinguwal na Hope Primary School sa mga lalawigan o rehiyong awtonomo ng pambansang minorya sa lugr-hanggahan ng Tsina. Nang umuwi siya sa Shihezi, sinabi niya ang mensaheng ito sa departamento ng edukasyon sa lokalidad at sa pamamagitan ng liham, agad at masusing inilahad ng departamentong ito kay Chen ang kalagayan ng edukasyon ng pambansang minoryang lokal at pangangailangang itayo ang 3 ganitong paaralan.

Sa pamamagitan ng liham na ito, nalaman ni Chen na dahil sa likas na lagay na heolohikal at kakasaysayan, di-balense ang pag-unlad ng edukasyong lokal, lalo sa ilang purok ng lunsod na ito. Ang mga gusali ng primary school nito ay itinayo noong ika-6 at ika-7 dekada ng nagdaang siglo at hindi mabuti ang kondisyon nito. Kaya mas matibay ang determinasyon niya sa pag-abuloy para itayo ang hope primary school. Sinabi niya na

"Kahit isinilang ako sa Malaysiya, ipinalalagay ko na ako'y Tsino pa rin. Noong bata pa ako, dahil maralita ang Tsina, may pagtatangi laban sa mga Tsino nang magnegosyo ako sa ibayong dagat. Kaya ipinalalagay ko na dapat magpalakas ng Tsina."

Noong 2003, bumisita si Chen sa Xinjiang at sa kanyang paglalakbay doon, pinansin niya na ang mga mamamyang lokal ay nagsasalita lamang ng wika ng kanilang lahi, bagama't pawang mga Chinese ay hindi nag-iintindihan sa isa't isa. Bunsod nito, iniisip niyang iabuloy para itayo ang baylinguwal na paaralan. Ipinalalagay niya na dapat magpakadalubhasa ang mga mag-aaral na lokal ng dalawang wika: mandarin at languwahe ng sariling lahi para payamanin ang kanilang kaalaman at kung magkakagayon, saka lamang mas mabuting maglilingkod sila sa inangbayan nang lumaki sila. Sinabi niya na

"4 na taon na ang nakakaraan, bumisita ako minsan sa Xinjiang. Labis na pinahahalagahan ko ang edukasyon ng pambansang minorya at umaasang pag-aaralan nila ang kulturang Tsino at kung hindi makapagpapalitan kami, papaano palalakasin ang aming inangbansa."

Noong ika-18 ng Abril ng 2006, tinanggap ng Shihezi ang kasunduan ng pag-aabuloy na nilagdaan ni Chen. Ipinahayag pa niya sa kasunduang ito na mas masikap na magtatrabaho siya sa hinaharap para iabuloy ang mas marami sa hinaharap kung may kaya siya.

Magkakasunod na itinayo kamakailan ang 3 paaralan at espesyal na nagpadala si Chen ng mensaheng pambati. Ang mga guro at mag-aaral nito ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat kay Chen sa pamamagitan ng telepono. Sianbi ni Ma Xiaolin, isang mag-aaral sa kanila na

"Determinado akong mag-aaral nang mabuti sa hinaharap para hindi biguin ang kagandang-loob ni lolong Chen at gagaya ako sa kanya na maging isang taong lagi handang tulungan ang purok na may kahirapan."

Bikod dito, mainit na inanyayahan pa nila si Chen para muling bumisita sa Xinjiang at nagpahayag rin ni Chen ng hangarin ng pagkakaloob ng mas maraming abuloy sa purok ng pambansang minorya.