• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-21 14:44:22    
Let Let Alunan at Stephanie Lim: Sana mag-multiply ang mga benefits na inani sa CAEXPO

CRI

Ang buong mundo ngayon ay dumaraan sa isang malaking pagsubok. Walang bansa ngayong hindi nakakaramdam ng impact ng financial crisis. Sabi ng ibang Asian leaders, mas masahol pa raw ito doon sa crisis noong 1997. Ang isa sa mga nakikita nilang sagot dito ay iyong pagpapalakas ng regional market at demand at regional trade cooperation. Sa tingin ko itong China-ASEAN Expo ay isang praktikal na hakbangin tungo sa regional financial stability. Sa pamamagitan ng pagtatanghal na pangkalakalan na ito, mapapagsama-sama ng mga bansang ASEAN at China ang kanilang karanasan sa larangan ng kabuhayan at pananalapi kasabay ng pagtatatag nila ng malayang sonang pangkalakalan.

Let Let Alunan
Germany

 

Binabati ko ang inyong Serbisyo Filipino at iyong mga bansang kalahok sa 5th China-ASEAN Expo sa Nanning. I hope magiging matagumpay ang trade exposition at maraming darating na bisita mula sa iba't ibang panig ng mundo para tumangkilik sa mga produktong ASEAN at Tsino.

Stephanie Lim
C. M. Recto
Sta. Cruz, Manila

 

919 426 0570: Sa lahat ng participants sa exposition sa Guangxi, mabuhay! Wishing you success in all your endeavors!

915 807 5559: Greetings sa 5th China-Asean Expo! Sana mag-multiply ang mga benefits na inani ninyo sa mga nakaraang expositions.

919 648 1939: Malayo na rin ang narating ng China-ASEAN Expo. Pahigpit nang pahigpit ang pag-uugnayang pangkalakalan ng mga bansang Kalahok. Binabati ko kayong lahat!

0049 242 188 210: Salamat sa idea ng China na pagdaraos ng CAEXPO taun-taon, maraming bansang ASEAN ang nakikinabang nang lubos sa pagpapalawak ng kanilang export markets.

915 881 2174: Binabati ko ang ika-5 CAEXPO sa Guangxi, China. Taun-taon, nadaragdagan ang pagkakataong pangkomersiyo ng mga bansang ASEAN at China at taun-taon, humihigpit ang pagtutulungan ng 2 bansa sa larangan ng kabuhayan.!