Dumating ng Tsina noong 1991 si Gng Lisa Cliff ng E.U. at binuksan niya ngayon ang dalawang tindahang kultural sa SOHO, isang purok na komersyal, at 798, isang purok na artistiko. Lipos siya ng kompiyansa sa pamilihang pansining ng Tsina. Sinabi niyang:
"Interesadong interesado ako sa pamilihang pansining na Tsino. Mabilis na umuunlad ang pamilihang ito at kinakatigan nito ang pamahalaang Tsino. Lipos ako ng kompiyansa sa aking dalawang tindahan, lalung lalo na, pagkatapos ng 2008 Beijing Olympic Games."
Sinabi ni Tuo Zuhai, pangalawang puno ng departamento ng pamilihang Kultural ng Ministri ng Kultura ng Tsina, na itinakda ng pamahalaang Tsino ang bukas na patakarang kultural para enkorahehin ang paglahok ng pamumuhunang dayuhan sa pamilihang kultural ng Tsina. Sinabi niyang:
"Malawak ang saklaw ng pagbubukas ng pamilihang kultural ng Tsina sa labas. Bukas ang pamilihan ng pagtatanghal, entertainment, produkto ng audio and video at negosyo ng produktong artistiko."
Kasabay ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, nagiging mas malawak ang isinasagawang pagpapalitang kultural ng Tsina at mga bansang dayuhan. Dumarami nang dumarami ang mga aktibidad ng pagpapalitang kultural na itinataguyod ng pamahalaang Tsino. At mas maraming grupong pansining ang pumaparito sa Tsina para itanghal.
Si Kelli Lazimier ay isang artistang Indyano na lumahok sa ika-10 Kapistahang Pansining ng Asya. sinabi niyang:
"Nanood ako sa Indya ng mga napakagandang palabas na itinanghal ng mga artistang Tsino at ito nag-iwan ng di-mabuburang impresyon sa isip ko sa buong buhay. Ngayon, andyan na ako sa Tsina. Sinabi ko sa aking kasama na dapat gawin namin ang lahat naming makakaya sa pagpapaganda ng aming palabas upang makapagtamasa ang mga manonood ng Tsina ng kultura ng Indya."
|