• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-22 18:27:30    
Ika-5 China-ASEAN Expo, binuksan

CRI

Sa lunsod ng Nanning ng rehiyong awtonomo ng Guangxi ng Tsina, binuksan dito ngayong araw ang ika-5 China-ASEAN Expo (CAExpo). Sa loob ng darating na apat na araw, ididispley ng 2100 bahay-kalakal na galing sa Tsina at iba't ibang bansang ASEAN ang kani-kanilang paninda sa ekspong ito.

Sa seremonya ng pagbubukas ng ekspong ito, ipinahayag ni Ginoong Chen Deming, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na bilang mahalagang plataporma ng pagpapalalim ng pagpapalitan at pagtutulungan ng magkabilang panig, nakakapagpasulong ang CAExpo sa pagtutulungang substansiyal ng Tsina at ASEAN sa maraming larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan at turismo. Umaasa aniya siyang mapapalakas ng Tsina at ASEAN ang kanilang pagtutulungan sa mas malaking saklaw para magkakasamang lumikha ng mas magandang kinabukasan.

Sa kaniya namang talumpati, ipinahayag ni Ginoong Surin Pitsuwan, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, na kasalukuyang nagsisikap ang Tsina at iba't ibang bansang ASEAN para maitatag ang malayang sonang pangkalakalan na may pinakamalaking populasyon sa daigdig, at ang CAExpo ay nagiging isa sa mga pinakamahalagang aktibidad ng pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN.

Sinimulan ang CAExpo noong 2004 na naglalayong pasulungin ang konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN at ang bilateral na relasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN.

Salin: Li Feng