Binuksan ngayong araw sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina ang ika-5 China-ASEAN Expo at China-ASEAN Business and Investment Summit. Sa ilalim ng maigting na kalagayan ng pandaigdig na pinansiya at kabuhayan, nakatawag ng malaking pansin ang dalawang aktibidad na ito na naglalayong pasulungin ang malayang sonang pangkalakalan sa rehiyong ito. Pawang ipinahayag ng mga kalahok na opisyal na Tsino at ASEAN ang kahandaang magkasamang harapin ang pinansiyal na krisis.
Sa kasalukuyan, ang Tsina at ASEAN naging ika-4 na pinamalaking trade partner ng isa't isa at mabunga ang mga natamong bunga ng pagtutulungan nila sa larangan ng pamumuhunan at malayang sonang pangkalakalan. Sa seremonya ng pagbubukas ng CAExpo, ipinahayag ni Chen Deming, ministro ng komersyo ng Tsina na:
"Nitong 5 taong nakalipas, matapat na nagtutulungan ang 11 bansa at walang humpay na pinapabuti ang China-ASEAN Expo na naging isang mahalang plataporma ng dalawang panig sa pagpapalalim ng pagpapalitan, pagpapalawak ng pagtutulunga, mutuwal na kapakinabangan at komong pag-unlad at nagpasulong din ito sa substansyal na pagtutulungan ng Tsina at ASEAN sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan, turismo at iba pa."
Kasabay ng pagdiriwang sa mga natamong bunga, pinagtuunan ng mas malaking bansa ng mga kalahok ang direksyon ng pag-unlad sa hinaharap, lalung lalo na sa kalagayan ng glabanisadong pinansiyal na krisis. Sa kaniyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Surin Pitsuwan, pangkalahatang kalihim ng ASEAN na:
"Sa kasalukuyan, ang di-matatag na kalagayan ng pinansiya ng buong mundo ay nagdulot ng malaking presyur sa pag-unlad ng kabuhayan ng iba't ibang bansa ng daigdig. Ang walang humpay na pagpapalakas ng pagtutulungan, pagsasaayos ng mga yaman at pagpapasulong ng integrasyon ng kabuhayan ay siyang tanging paraan sa mabisang pagharap sa mga hamon. Nananalig kamng ang kasalukuyang kalagayan ay mas mabuti kay sa noong 10 taon na ang nakaraan. Sa pamamagitan ng mas mahigpit na pagtutulungang rehiyonal ng Tsina at ASEAN, nananalig kaming mapapawi namin ang epekto ng pinansiyal na krisis sa kabuhayan ng dalawang panig."
Walang humapay na nagsisikap naman ang pamahalaang Tsino para mapalalim ang pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan nila ng mga bansang ASEAN, magkasamang harapin ang pinansiyal na krisis at mapasulong ang matatag na pag-unlad ng kabuahayang panrehiyon. Sa seremonya ng pagbubukas ng CA Business and Investment Summit, ipinahayag ni Wang Qishan, pangalawang premiyer na Tsino na:
"Sa kasalukuyan, dumaragdag ang mga di-liwanag at di-matatag na elemento sa kabuhayan ng daigdig at maliwanag na humupa ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig at nagdulot na ng malaking epekto sa rehiyong Asyano. Sa harap ng hamong ito, nagkaroon ng espesiyal na katuturan ang pagpapabilis ng pagtutulungan ng Tsina at ASEAN. Para rito, inihrap ko ang susunod na mga mungkahi: Palalimin ang pagtutulungan sa kalakalan at pamumuhunan para maigarantiya ang malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN sa itinakdang panahon; Palakasin ang sub-rehiyonal na pagtutulungan, kinatigan ng panig Tsino ang integrasyong pangkabuhayan ng ASEAN at ang pagpapabilis ng pagdedebelop at pagbubukas ng Beibu Bay Economic Zone; Magkasamang harapin ang hamon, patuloy na palalakasin ng panig Tsino ang pagkokoordina at pagtutulungan nila ng mga bansang ASEAN sa larangan ng pinansya, enerhiya, pangangalaga sa kapaligiran, kaligtasan ng pagkain-butil at iba pa para magkasamang mapasulong ang matatag at malusog na pag-unlad ng kabuhayan sa rehiyong ito."
|