Bilang isa sa serye ng mga porum ng ika-5 China ASEAN Expo, ang ika-2 porum na pangkababaihan ng Tsina at ASEAN sa mataas na antas ay idinaos kamakalawa sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi.
Ang tema ng porum na ito ay paglikha ng may harmonyang kapaligirang pangkaunlaran para sa kababaihan. Dumalo sa porum na ito ang mga may kinalamang tauhan ng pamahalaan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Si Myrna T. Yao, Tagapangulo ng Pambansang Lupong Pangkababaihan ng Pilipinas ang lumahok sa porum.
Nang mabanggit ng usaping pangkababaihan ng Pilipinas, ipinahayag ni Yao na ang katayuan ng mga kababaihan ng Pilipinas ay lubos na pinahahalagahan ng kanyang lupon. Sinabi niya na,
Kaugnay ng isyung ito, marami ang naging ginagawa nila para lutasin ang mga problemang kinakaharap ng mga babae hindi lamang sa loob ng pamilya, kundi sa buong bansa. Sinabi niya na,
Kaugnay ng mga problema na kinakaharap ng mga kababaihan sa bagong kalagayan at kung papaanong ibayo pang isasagawa ang may kinalamang gawain, ipinalalagay niya na pangunahin na, dapat bahaginan ng iba't ibnag bansa ang may kinalamang karanasan at pahigpitin ang pagpapatulungan at pagpapalitan at ang porum na ito ay isang mabuting halimbawa. Sinabi niya na,
Sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina, malaki ang naging progreso ng usaping pangkababaihan ng Tsina at sapul itatag ang relasyong diplomatiko nila ng Pilipinas noong 1975, nagpapalitan nang marami at malawak ang dalawang bansa sa larangang ito. Sinabi niya na,
Sa pamamagitan ng pagsisikap nila, malaki ang umunlad ang usaping ito ng Pilipinas at kauna-unahang isinulat nila ang pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan sa batas nito. Sinabi niya na,
Sa wakas, kaugnay ng target at dereksyon ng pag-unlad ng usaping ito ng Pilipinas sa susunod na yugto, ipinahayag niya na kailangan nilang mas magsikap para pataasin ang katayuan at karapatan ng mga kababaihan ng Pilipinas.
|