• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-23 17:01:15    
Nagkatotoong Pangarap, Zhou Bichang

CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Marami rin palang kababayan sa Tianjin, China. Nagteteks sila at nangangamusta. Salamat sa inyong mga mensahe at mabuhay kayo!

Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "Nagkatotoong Pangarap" ni Zhou Bichang. Hindi ba pamilyar sa inyo ang kantang iyan? Iyan ay isa sa mga awiting Olimpik na narinig ninyo sa programang ito noong kasalukuyang ginaganap ang Olympics at Paralympics sa Beijing.

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

May snail mail dito. Ang nagpadala ay si Jamb Castrillo ng Kennon Road, Baguio City. Sabi ng liham: "Kuya Ramon, kumusta kayo diyan sa Serbisyo Filipino. Matagal ko nang nami-miss ang Cooking Show at mga jazz mo sa Gabi ng Musika. Busy ako sa maraming bagay pero hindi ko nakakalimutan ang inyong transmission sa gabi. Sa inyong programa ako nakakakuha ng fresh info hinggil sa China. Sa inyong programa rin ako natutong magluto ng Chinese dishes at natutong magsalita ng konting Chinese. Pitong taon na akong nakikinig sa inyong mga programa at sana lumawig pa ang ating pagko-communicate on and off the air. My very best to all!"

Salamat sa iyong sulat, Jamb.

Jolin Tsai at ang awiting "Wonder in Madrid," na hango sa "Dancing Diva" album.

Tunghayan naman natin ang ilang SMS.

Sabi ng 0049 242 188 210: "Sana ma-resolve kaagad ang financial problem ng U. S. Lahat ng bansa ay apektado. Sweeping action ang kailangan!"

Thank you.

Sabi naman ng 917 401 3194: "Magaganda ang programa ng China para sa mga disabled at senior citizens. Dapat itong sundan ng iba..."

Iyan naman si Eason Chan at ang kanyang awiting "Ibaling ang Pagmamahal," na hango sa album na may pamagat na "Tanggapin Mo."

E-mail uli. Sabi ni Malou Tiu ng Dasmarinas Village, Makati City: "Ang patakaran ng China na may kinalaman sa pagpapalaki ng kita ng mga manggagawa sa bukid ay isang ideal na patakaran na well-suited sa mga bansang Asian. Bakit hindi natin ito subukin?"

Narinig ninyo ang instrumental version ni Acker Bilk ng awiting "Stardust" na lifted sa kanyang album na "Clarinet Moods."

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang episode sa araw na ito ng Gabi ng Musika. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.