• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-24 10:42:13    
5th CAEXPO: Chinese Market, Malaking Tulong sa mga Bansang ASEAN

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Dear Seksiyong Filipino 2008.

Ang ginaganap na ika-5 China-Asean Expo o Caexpo sa lunsod ng Nanning ng Lalawigan ng Guangxi ng Tsina ay nakatawag ng pansin ng ilang masusugid na tagapakinig ng palatuntunang ito. Nagkakaisa sila sa palagay na ang pagtatanghal na ito ay magiging matagumpay rin na tulad ng mga nauna ritong pagtatanghal at ito ay maghahatid ng komong pag-unlad.

Sabi ni Butch Pangilinan ng Bajac-Bajac, Olongapo City:

Ang Nanning na kapital na lunsod ng Guangxi Zhuang Autonomous Region ng Tsina ang host city ng CAEXPO kaya ito ang unang-unang nakakapagtamasa ng mga produkto mula sa sampung bansang Asean. Sinabi pa ni Butch na kung kinagigiliwan ng mga taga-Nanning at katanggap-tanggap sa Nanning ang mga produktong Aseano, posible rin aniyang tangkilikin ang mga produktong ito ng iba pang lunsod ng Tsina at magandang balita ito para sa mga Pinoy na tulad niya.

Sabi ni Butch, naniniwala siyang marami pang biyayang matatamo ang Tsina at Asean sa mga susunod na Caexpo at salamat sa ideya na ito ng Tsina, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga bansang Asean para ipamalas ang kanilang husay at ganda.

Ayon naman kay super DJ Happy, maganda ang timing ng ika-5 China-Asean Expo. Bakit?

Para naman kay Rodel Martinez...

Ang ika-5 China-ASEAN Expo na binuksan nitong nagdaang Miyerkules at magtatapos bukas ay may temang "Information and Communication," at ang bansang tagapangulo nito sa kasalukuyang taon ay Cambodia.

Maraming-maraming salamat sa inyo, Butch, Happy at Rodel...

Ngayon, tunghayan naman natin ang mga mensaheng SMS ng ating masisigasig na textmates.

Sabi ng 919 426 0570: "Sa lahat ng participants sa exposition sa Guangxi, mabuhay! Wishing you success in all your endeavors!"

Sabi naman ng 915 807 5559: "Greetings sa 5th China-Asean Expo! Sana mag-multiply ang mga benefits na inani ninyo sa mga nakaraang expositions."

Sabi naman ng 919 648 1939: "Malayo na rin ang narating ng China-ASEAN Expo. Pahigpit nang pahigpit ang pag-uugnayang pangkalakalan ng mga bansang Kalahok. Binabati ko kayong lahat!"

Sabi naman ng 0049 242 188 210: "Salamat sa idea ng China na pagdaraos ng CAEXPO taun-taon, maraming bansang ASEAN ang nakikinabang nang lubos sa pagpapalawak ng kanilang export markets."

Sabi naman ng 915 881 2174: "Binabati ko ang ika-5 CAEXPO sa Guangxi, China. Taun-taon, nadaragdagan ang pagkakataong pangkomersiyo ng mga bansang ASEAN at China at taun-taon, humihigpit ang pagtutulungan ng 2 bansa sa larangan ng kabuhayan.!"

Tunghayan naman natin ang ilang e-mails.

Sabi ni Let Let Alunan ng Germany: "Ang buong mundo ngayon ay dumaraan sa isang malaking pagsubok. Walang bansa ngayong hindi nakakaramdam ng impact ng financial crisis. Sabi ng ibang Asian leaders, mas masahol pa raw ito doon sa crisis noong 1997. Ang isa sa mga nakikita nilang sagot dito ay iyong pagpapalakas ng regional market at demand at regional trade cooperation. Sa tingin ko itong China-ASEAN Expo ay isang praktikal na hakbangin tungo sa regional financial stability. Sa pamamagitan ng pagtatanghal na pangkalakalan na ito, mapapagsama-sama ng mga bansang ASEAN at China ang kanilang karanasan sa larangan ng kabuhayan at pananalapi kasabay ng pagtatatag nila ng malayang sonang pangkalakalan."

Sabi naman ni Stephanie Lim ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila: "Binabati ko ang inyong Serbisyo Filipino at iyong mga bansang kalahok sa 5th China-ASEAN Expo sa Nanning. I hope magiging matagumpay ang trade exposition at maraming darating na bisita mula sa iba't ibang panig ng mundo para tumangkilik sa mga produktong ASEAN at Tsino."

Sabi naman ni Pablo Cruz ng San Juan, Cabangan, Zambales: "Dear Kuya Ramon, kaunti lang ang alam ko sa China-ASEAN Expo na idinaraos sa Nanning taun-taon, pero hindi kakaunti ang aking paniwala na ito ay malaking factor sa tuluy-tuloy na paghigpit ng relasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN--natural kasama ang Pilipinas diyan. Sa ganitong malalaking trade exposition, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga bansang gustong mapabilis ang pag-unlad na maipakita sa mundo ang mga ipinagmamalaki nilang produkto, serbisyo at lugar na panturista. Pagkakataon din ito para sa pagpapalitang pangkultura ng mga sangkot na bansa... Mabuti naman at nariyan ang Serbisyo Filipino para sa paghahatid ng balita hinggil sa expo. Sana ipagpatuloy ninyo ito dahil kapakipakinabang ito sa lahat ng mga Pilipino."

Maraming salamat sa inyo, Let Let, Stephanie, at Pablo at ganundin sa inyong lahat sa inyong walang-sawang pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.