Ipininid ngayong araw sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, ang ika-5 China-ASEAN Expo o CAEXPO at China-ASEAN Business and Investment Summit. Ang kasalukuyang ekspo ay nagpapakita ng pahalaga nang pahalagang papel nito sa pagpapasulong ng pagpapalagayan ng Tsina at ASEAN.
Kaugnay nito, sinabi ni Shen Shishun, puno ng departamento ng Institute of International Studies ng Tsina hinggil sa seguridad at kooperasyon ng rehiyong Asya-Pasipiko, na,
"Sa palagay ko, napakahalaga ng pagdaraos ng Guangxi ng ekspong ito, dahil itinatag nito ang isang mabuting plataporma sa Tsina at ASEAN at masasabing tunay na napapasulong ng ekspong ito ang pag-unlad ng Guangxi, Tsina at ASEAN. Dahil ito'y nilalahukan, hindi lamang ng panig na opisiyal, kundi ng sirkulo ng komersyo, mga dalubhasa, katam-taman at maliliit na bahay-kalakal at media. Dahil sa pag-unlad ng globalisasyon at proseso ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, masasabing ang lahat ng mga larangan ay nangangailangan ng kooperasyong pandaigdig."
Sa ekspong ito, natamo ang magandang bunga ng mga kalahok na mangangalakal ng Pilipinas, mahigit 50 ang exhibition booth ng mga kalakalan ng Pilipinas at 100 bahay-kalakal nito ay pumarito para bumili na ang mga bilang nito ay 2 ulit kumpara sa nagdaang taon. Kaugnay ng ekspong ito, mataas na tinasahan ni Carmela R. Calingo, asistente ng komersyong agrikultural at pamilian ng Ministri ng Agrikultura ng Pilipinas, ang ekspong ito. Sinabi niya na,
Kasabay nito, positibong tinasahan ang ekspong ito ni John K. Tan, Tagapangulo ng Federation ng Filipino-Chinese Commerce and Industry Chambers, na,
"Sa palagay ko, ang ekspong ito ay mahalaga sa kalakalan at kabuhayan ng Tsina at Pilipinas at kasabay nito, malaki ang ambag nito para rito."
Sa ekspong ito, malawakang tinanggap ang mga produktong Pilipino, lalo na ang mga produktong agrikultural at pagkain, sinabi ni Calingo na,
Kaya ang CAEXPO ay hindi lamang isang tsunel sa pag-uugnayan at plataporma sa pagpapalitan ng Tsina at Pilipinas at ang mas mahalaga ay nagdudulot ng aktuwal na kapakanan sa mga kalahok na mangangalakal ng Pilipinas. Si Anges Rex Car ay isang kalahok na mangangalakal ng Pilipinas na nagbebenta ng mga produkto ng niyog, maganda ang kanyang negosyo sa ekspong ito, sinabi niyang,
Kaya pahalaga nang pahalaga ang papel ng ekspong ito sa pagpapasulong ng pagpapalagayan ng dalawang bansa, sinabi ni Calingo na,
|