• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-27 15:55:31    
Oktubre ika-20 hanggang ika-26

CRI

   

Sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog Tsina, idinaos dito mula noong Miyerkules hanggang Sabado ang ika-5 China-Asean Expo at China-Asean Business and Investment Summit. Sa loob ng apat na araw na ekspo, itinanghal ng 2100 bahay-kalakal na galing sa Tsina at iba't ibang bansang ASEAN ang kani-kanilang paninda. Nilagdaan sa ekspo ang 80 proyekto na nagkakahalaga ng mahigit 3.5 bilyong Dolyares lahat-lahat. Ang mga proyektong ito ay sumasaklaw sa mga sektor ng manupakturang industriyal, pagdedebelop ng turismo, imprastruktura, komunikasyon, enerhiya, agrikultura, pagpoproseso ng produktong agrikultural at iba pa. Kabilang dito, 31 ang mga proyekto sa mga bansang ASEAN na nagkakahalaga ng halos 1.1 bilyong Dolyares. Ang Biyetnam, Singapore at Kambodya ay pokus ng pamumuhunan at pagtutulungan ng mga bahay-kalakal na Tsino. Tatalakayin naman ng mga kalahok ang hinggil sa kooperasyon ng mga katamtamang laki at maliit na bahay-kalakal at kooperasyon sa pamumuhunan. Mahigit 1360 mamamahayag mula sa iba't ibang lugar ng daigdig ang nagkober sa ekspo.

Sa kanyang paglahok sa dalawang aktibidad na ito, ipinahayag ni Wang Qishan, pangalawang premiyer ng Tsina na mula noong unang summit, aktibo ang Tsina at ASEAN sa pagpapasulong ng pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan, pagpapalalim ng kooperasyong pangkabuhayan sa subrehiyon at pagpapasulong ng pagpapasimple ng pamumuhunan at kalakalan. Anya, noong unang 9 na buwan ng taong ito, umabot sa 180.4 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN at ang dalawang panig ay naging ika-4 na katuwang pangkalakalan ng isa't isa. Ipinahayag din niyang nakahanda ang Tsina na ibayo pang palakasin ang pakikipagtulungang pangkabuhayan at pangkalakalan sa ASEAN. Sinabi rin niyang sa kalagayan ng pagkalat ng pandaigdigang krisis na pinansyal at maliwanag na pagbagal ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig, mahalagang mahalaga ang pagpapabilis ng pagpapasulong ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN. Ipinahayag ni Wang na aktibong kinakatigan ng Tsina ang integrasyon ng kabuhayan ng ASEAN at paggagalugad sonang pangkabuhayan ng Beibu Gulf at patuloy at responsableng palalakasin ng Tsina ang koordinasyon at kooperasyon nila ng iba't ibang bansang ASEAN sa mga larangan ng pinansya, enerhiya, pangangalga sa kapaligiran, kaligtasan ng pagkaing-butil at iba pa para magkakasamang igarantiya ang matatag at malusog na pag-unlad ng kabuhayan at pinansya sa rehiyong ito.

Ipinahayag ni Surin Pitsuwan, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, na kasalukuyang nagsisikap ang Tsina at iba't ibang bansang ASEAN para maitatag ang malayang sonang pangkalakalan na may pinakamalaking populasyon sa daigdig, at ang CAExpo ay nagiging isa sa mga pinakamahalagang aktibidad ng pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN. Ipinahayag din niyang ang kooperasyong panrehiyon ay mabisang paraan para sa pagharap sa pandaigdigang krisis na pinansyal. Sinabi ni Pitsuwan na hindi naiwasan ng Tsina't Asean ang kasalukuyang krisis na pinansyal na mas malaki at malubha ang epekto nito kumpara sa krisis na pinansiyal ng Timog Silangang Asya 10 taon na ang nakararaan. Aniya, sa kasalukuyang masusing panahon, kung magkasamang magsisikap ang Tsina't Asean, saka lamang haharapin ang epekto ng krisis at mapapahupa ang presyur ng kapuwa panig na dulot ng krisis na ito.

Ipinahayag naman ni Supachai Panitchpakdi, pangkalahatang kalihim ng United Nations Conference on Trade and Development o UNCTAD, na natamo ang mabuting bunga ng pakikisangkot ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa katimugan ng Tsina sa kooperasyon ng Greater Mekong Subregion at kooperasyon ng Pan Beibu Bay at napapatingkad ng Guangxi ang papel bilang tulay sa pagpapasulong sa kooperasyon ng Tsina't Asean.

Pagkatapos ng dalawang aktibidad, sinabi noong Sabado ni Nicholas Tandi Dammen, pangalawang pangkalahatang kalihim ng ASEAN, na ito ay isang matagumpay na ekspo at nagpasulong ito sa konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN. Pawang binigyan ng mataas na pagtasa ng mga kalahok na opisyal ng mga bansang ASEAN ang kasalukuyang ekspo. Ipinalalagay naman ng mga kalahok na negosyante na ang kanilang natamong bunga sa kasalukuyang ekspo ay lumampas sa inaasahan.