• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-28 14:46:09    
Oktubre ika-20 hanggang ika-26

CRI

   

Mula noong Huwebes hanggang kahapon, nasa Tsina si pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas para sa pagdalaw at pagdalo sa ika-7 Summit ng Asia-Europe Meeting. Noong Huwebes, dumalaw si Arroyo sa Wuhan, punong lunsod ng Lalawigang Hubei para makita ang kooperasyon ng dalawang panig sa mga larangan ng sasakyan de moter, pagmimina, pagkain, elektronik at iba pa. Sa kanyang pakikipag-usap kay Li Hongzhong, Gobernador ng Hubei, sinabi ni Arroyo na lubos na nananabik ang mga mangangalakal na Pilipino sa mas mahigpit na pakikipagkooperasyon sa mga bahay-kalakal na Tsino at umaasa silang palalawakin ang pagluluwas ng nickel ore, copper ore at prutas sa pamilihang Tsino at makikipagkooperasyon sa Wuhan University sa paghubog ng mga talento sa iba't ibang aspekto. Winewelkam din niya ang mas maraming bahay-kalakal na Tsino na mamuhunan at magsagawa ng negosyo sa Pilipinas. Noong Araw ng Linggo hanggang kahapon, dumalaw si Arroyo sa Hangzhou, punong lunsod ng Lalawigang Zhejiang. Nagtagpo si Arroyo at ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan. Sa pagtatagpo, sinabi ni Zhao Hong, party secretary ng Zhejiang, na sa background ng walang humpay na paglalim ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Tsina at Pilipinas, malaki ang natamong progreso ng kooperasyong pangkaibigan ng Zhejiang at Pilipinas, humihigpit ang kanilang pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan, lumalawak ang larangan ng pagpapalitan, nagiging kapansin-pansin ang bunga ng kooperasyon at lumalalim ang pagkakaibigan ng mga mamamayan. Sinabi naman ni Arroyo na noong 30 taong nakaraan, dumalaw siya sa Zhejiang sa kanyang kauna-unahang pagdalaw sa Tsina at ngayon ang kanyang ikalawang pagdalaw sa Zhejiang. Umaasa siyang mapapalakas ang pagpapalitan ng Pilipinas at Zhejiang sa iba't ibang aspekto, lalung-lalo na ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.

   

Nakipag-usap noong Miyerkules sa Beijing sina pangulong Hu Jintao at premyer Wen Jiabao ng Tsina kay dumadalaw na punong ministro Nguyen Tan Dung ng Biyetnam. Ipinahayag ni Hu na dapat tumahak ang dalawang bansa sa tamang direksyon ng pag-unlad ng kanilang bilateral na relasyon, pahigpitin ang estratehikong pagtitiwalaan at palakasin ang komprehensibong pagtutulungan para maisakatuparan ang mainam at mabilis na pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng dalawang bansa. Sinabi ni Hu na nakahanda ang Tsina, kasama ng Biyetnam, na panatilihin ang pag-uugnayan at pagpapalagayan sa mataas na antas, napapanahong magpalitan ng palagay hinggil sa mahahalagang isyu ng dalawang bansa at maayos na hawakan ang mga isyu sa kanilang relasayon. Tinukoy din niyang dapat tumpak na pakitunguhin at maayos na hawakan ng dalawang panig ang isyu ng South China Sea at buong sikap na hanapin ang tsanel at paraan ng pagpapalakas ng kooperasyon sa isyung ito. Sinabi ni Wen na nakahanda ang Tsina, kasama ng Biyetnam, na pahigpitin ang pagtitiwalaan, palalimin ang pagtutulungan at pasulungin ang pagtamo ng mas malaking progreso ng komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng dalawang bansa para makapagdulot ng kapakinabangan sa kanilang mga mamamayan at mapasulong ang kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon. Umaasa rin siyang lulutasin ng dalawang panig sa lalong madaling panahon ang naiiwang isyu ng demarkasyon ng hanggahang panlupa. Sinabi naman ni Nguyen na nakahanda ang Biyetnam, kasama ng Tsina, na panatilihin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, palakasin ang pag-uugnayan ng mga departamento sa suliraning panlabas, depensa, pagpapatupad ng batas at iba pa ng dalawang bansa, komprehensibong ipatupad ang iba't ibang narating na komong palagay at kasunduan ng dalawang bansa at palawakin ang kooperasyon sa mga larangan ng kabuhayan, kalakalan, konstruksyon ng imprastruktura, turismo at iba pa. Umaasa anya ang Biyetnam na magsisikap, kasama ng Tsina, para harapin ang pandaigdig na krisis na pinansyal. Ipinahayag din niya ang kahandaang maayos na lutasin ang isyung panghanggahan ng dalawang bansa. Nang araw ring iyon, nakipag-usap din kay Nguyen si pangalawang premyer Li Keqiang ng Tsina.

   

Nakipagtagpo noong Huwebes sa Beijing sina pangulong Hu Jintao at premyer Wen Jiabao ng Tsina kay Lee Hsien long, PM ng Singapore. Ipinahayag ni Hu na sa responsableng atityud, magsisikap ang Tsina kasama ng komunidad ng daigdig para mapangalagaan ang katatagan ng pandaigdigang sistemang pinansiyal at ekonomiko. Sinabi ni Hu na sa harap ng kasalukuyang masalimuot at mahigpit na pandaigdiang kalagayang pangkabuhayan, dapat palakasin ng iba't ibang bansa ang koordinasyon ng patakaran, patatagin ang kompiyansa, palakasin ang kooperasyon para magkakasamang mapawi ang kahirapan. Nang mabanggit ang relasyong ng Tsina at Singapore, ipinahayag ni Hu na ang pagdating ng kasunduan ng malayang sonang pangkalakalan ng dalawang bansa ay sumasagisag na pumasok sa bagong antas ang relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Singapore. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan nila ng Singpore, patingkarin ang kani-kanilang bentahe para totohanang mapasulong ang komong pag-unlad at makapagbigay ng ambag sa katatagan at kaunlaran ng Asya. Sinabi ni Wen na ang pagdating ng nasabing kasunduan ay sumasagisag na sumulong sa isang hakbang ang relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan at relasyong bilateral sa pagitan ng Tsina at Singapore. Ipinahayag naman ni Lee na lubos na ipinakita ng pagkakalagda ng kasunduang ito ang digri ng kooperasyon at mithiin ng dalawang panig sa ibayo pang pagpapalalim ng kanilang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, makakatulong ito sa pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang bansa. Pagkaraan ng pagtatagpo, magkasamang dumalo sina Wen at Lee sa seremonya ng paglalagda ng kasunduan ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at Singapore.

Sa kanyang pakikipagtagpo noong Huwebes sa Beijing kay Susilo Bambang Yudhoyono, Pangulo ng Indonesiya, ipinahayag ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina na nakahanda ang panig Tsino na magkaroon ng pagkakaisa at pabutihin ang mga may kinalamang gawain tungkol sa plano ng aksyon ng estratehikong partnership nila ng Indonesiya sa lalong madaling panahon. Ipinahayag naman ni Susilo na umaasa ang kanyang bansang mapapalakas ng dalawang panig ang pangmalayuan at estratehkong kooperasyon sa enerhiya, impormasyon, konstruksyon ng imprastruktura, pinansiya at iba pang larangan.

   

Magkahiwalay na nakipagtagpo noong Biyernes sa Beijing si premyer Wen Jiabao ng Tsina kina punong ministro Hun Sen ng Kambodya at punong ministro Somchai Wongsawat ng Thailand. Sa pakikipagtagpo kay Hun, sinabi ni Wen na patuloy na kakatigan ng Tsina ang Kambodya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at buong sikap na pasusulungin ang mga mahalagang proyektong pangkooperasyon ng dalawang panig. Sa pakikipagtagpo naman kay Somchai, sinabi ni Wen na nakahanda ang Tsina na panatilihin ang pagpapalagayan sa mataas na antas nila ng Thailand, patatagin ang kanilang pagkakaibigan at pasulungin ang estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa.

   

Idinaos noong Biyernes sa Beijing ang pulong ng mga lider ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3). Ipinahayag ng mga lider ng iba't ibang panig ang kahandaang palakasin ang pagkokoordinahan at pagtutulungan para magkakasamang harapin ang krisis na pinansiyal at mapangalagaan ang katatagan ng kabuhayan at pinansiya ng iba't ibang bansa at rehiyon ng Silangang Asya. Sa pulong na ito, nagpalitan ng palagay ang mga kalahok na panig hinggil sa mga isyung gaya ng kasalukuyang pandaigdigang krisis na pinansiyal at epekto nito sa rehiyon ng Silangang Asya.