Si Gu Li ay isang pangunahing player sa larangan ng I-go, noong ika-7 ng Hulyo ng taong ito, lumahok siya sa ika-21 Fushitong Final ng I-go, tinalo niya si Lee Chang ho at nakuha ang kampeon. Sa gayo'y nagi siyang kauna-unahang Tsino na sunud sunod na nagtatanghal na tatlong kampeon sa palaro ng I-go.
Ang 25 taong gulang na si Gu Li ay isinilang sa munisipalidad ng Chongqing ng Tsina. Tumahak siya sa landas ng I-go dahil sa impluwensiya ng kanyang tatay na si Gu Jushan, sinabi ni Zhang Zhongxun, nanay ni Gu Li na:
"Ang kaniyang tatay ay isang taong ambisyoso na nananabik na may dakilang gawa sa kanyang buhay. Ngunit, sa panahon ng kanyang pamumuhay noon, mahirap ang pagtupad ng pangarap. Kaya, inilagay niya ang kanyang pag-asa sa kanyang anak. Nang mag-5 taong gulang si Gu Li, tinuruan na niya ang anak ng paglalaro ng I-go."
Hinggil dito, sinabi ni Gu Li na:
"Naglalaro ako ng I-go bunsod ng impluwensiya ng aking tatay. Sinabi niyang ang paglaro ng i-go ay makapagpabuti ng intelehensiya. Ibinuhos niya ang malaking enerhiya sa paghubog sa akin. At ngayon, ang i-go ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng aking buhay."
Sa daigdig ng i-go ni Gu Li, ang isa pang mahalagang tao para kay Gu ay si Yang Yi, puno ng Chess Institute ng Chong Qing. Sinabi ni Yang na noong bata pa si Gu Li, natuklasan niya ang espesyal na katalinuhan ni Gu Li. Sinabi niyang:
"Isinagawa ko ang maraming pagsusuri sa kanya at natuklasan na mabilis ang kanyang reaksyon. Binigyan ko siya ng homework at mabilis na niyang natapos. Kapag nag-lalaro siya ng i-go, mabilis din ang kanyang reaksyon at ito ay isang mahalagang palatandaan ng katalinuhan ng isang bata. Noong 9 na taong gulang, siya ay naging aking pangunahing target sa pagtuturo ng I-go, binigyan ko siya ng maraming pagkakataon para patingkaran ang kaniyang katalinuhan."
Salamat sa nabanggit na mga paborableng kondisyon, naging mabilis ang progreso ni Gu Li sa I-go at natamo niya ang mas maraming titulo sa iba't ibang mahalagang paligsahan sa loob ng bansa. Noong ika-21 ng April ng 2006, siya ay kauna-unahang tinanghal na kampeon sa palarong pandaigdig. Noong 2007, tinalo niya si Chang Hao, bantog na player ng Tsina sa i-go at natamo ang kaniyang ikalawang kampeon sa palarong pandaigdig.
Nang mamatay ang kanyang tatay, bawat tao'y pinuntahan ng kanyang nanay si Gu Li sa Beijing. Sa tulong ng nanay, unti-unting isinaayos ang kanyang lagay-loob at humulagpos sa aninong likha ng pagkawala ng tatay. Mula noo'y nagiging mas hinog sa kanyang landas ng pamumuhay. Hindi na siyang dating batang nakasulat sa mukha ang kasayahan kapag nanalo at kalungkutan kapag natalo. Naaaninag sa kanyang paglalaro ang kababaang-loob at kapanatagan. Dahil, lagi niyang natatandaan ang isang pangungusap ng kanyang tatay. Sinabi niyang:
"Makaraang magwagi ako sa ika-10 LG Cup, sa piging ng pagdiriwang, sinabi ng tatay ko sa akin,'umaasang patuloy na magwawagi sa pandaigdigang palaro, at sa gayo'y kahit mamamatay ako, wala na akong kalungkutan. ' Gusto kong makaaliw sa kanyang kaluluwa sa pamamagitan ng aking pagpupunyagi."
Tatlong beses na nagkakampeon siya sa palarong pandaigdig, unang tao sa larangan ng i-go ng Tsina, ang 25 taong gulang na si Gu Li ay nasa kasariwaan ng kanyang buhay. Bukod sa i-go, mahilig siya sa football at musika. Noong 2006, natamo niya ang gantimpala ng pagpaparangal ng Chongqing at siya'y itinuturing na "kard ng Chongqing". Sa taong ito, siya ang unang Torchbearer sa paghahatid ng Beijing Olympic Torch sa Chongqing.
|