• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-28 16:33:04    
Turpan, perlas sa Silk Road

CRI
Ang Turpan ay isang lugar dito sa Tsina na itinuturing ng maraming manlalakbay na angkop para sa anila ay "cultural at historical tour".

Nasasabi nila ito dahil ang Turpan ay mayaman sa may-sariling-kakanyahang likas na tanawin at marami itong kaakit-akit na lugar na historikal.

Alam ba ninyo kung saan sa Tsina matatagpuan ang Turpan? Ito ay nasa Urumqi na kapital ng Xinjiang Uygur Autonomous Region sa gawing hilagang-kanluran.

Ang nangunguna sa mga ipinagmamalaking tourist spot ng Turpan ay ang Flame Mountain.

May habang 100 kilometro at lapad na 10 kilometro, ang bundok na ito ay binubuo ng pulang sandstone, conglomerate at mudstone.

Kung pagmamasdan sa tag-init, ang pinagsamang sinag ng araw at refraction ng hangin ay nagbibigay ng impresyon ng maliwanag na apoy na ang kulay ay nagbabago kasabay ng pagbabago ng temperatura at posisyon ng araw. Ito ay isa mga kahanga-hangang tanawin sa Turpan.

Pagkagaling ninyo rito, huwag ninyong kalilimutang dumaan sa Grape Valley na 13 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Turpan City at nasa kanluran ng Flame Mountain.

Ang lambak na ito na may habang 8 kilometro ay may bundok sa magkabilang gilid at ang mga bundok na ito ay walang damo o anumang halaman. Pero sa buhanginan sa ibaba nito ay may ubasan na tinutustusan ng tubig ng mabilis na umaagos na ilog. Maari ninyong bisitahin ang luntiang ubasang ito at komportableng maupo sa ilalim ng balag, kumain ng ubas at magpahangin.

Minsan naikuwento sa akin ni Joy Melemdez, isang kababayang traveller, ang tungkol sa popular na minaret dito sa Turpan.

Noong sinaunang panahon, noong ang Turpan ay isa pang mahalagang bayan sa Silk Road, ito ay kilala sa tawag na Gaochang. Marahil ang pinaka-kahanga-hangang tampok na tanawin nito ay ang Jiaohe City. Matatapuan mga 10 kilometro sa kanluran ng Turpan, ang City ruins na ito na itinayo sa ibabaw ng may taas na 30 metrong hugis willow leaf na loess platform ay natatakpan ng matatarik na burol na nagsisilbing naturang walls of defense.

Ang bagong tayong dahilig ng lupa o earthen slope ay patungo sa lumang guho ng lunsod. Mararating sa pamamagitan ng mga gates sa timog, silangan at kanluran, ang may 10 metrong habang trunk road ay nagdadaan sa sentro ng lunsod mula sa hilaga patungong timog at nahahati sa iba't ibang distriti sa pamamagitan ng mga eskinita. Ang katimugang panig ng lunsod ay inookupa ng mga mansiyon ng gobyerno at mga bahay ng pamilya. Ang mga templo at pagoda ay nasa hilagang seksiyon at mga libingan ay nasa dulong hilaga. Noong 1994, isang suhterranean temple ang nahukay sa Jiaohe.

Naikuwento naman sa akin ni Irish, isang kababayan na nagtatrabaho sa hotel at nasa tour group department, ang tungkol sa Karez System sa Turpan.

Ang Astana-Karakhoja Ancient Tombs na 40 kilometro sa timog-silangan ng Turpan at 6 na kilometro sa hilaga ng sinaunang Lunsod ng Gaochang ay may kabuuang saklaw na 8 kilometro kuwadrado. Ang mga libingan ay ginagawa sa pagitan ng ikatlo at ikaapat na siglo at nagsisilbing huling hantungan ng mga opisiyal ng emperyo at pangkaraniwang mamamayan. Maraming natuklasanag buhay na buhay na murals sa gilid ng mga libingan at may mga nahukay ding ataul na papel, sinturon at sapatos na gawa sa mga sinaunang dokumento, files, liham at libro de kuwenta na ang mga sulat ay ginamitan ng calligraphy brushes. Ang tuklas na ito na kilala bilang Turpan Literature ay naging dahilan ng malaking kaguluhan sa loob at labas ng bansa at nagpasimula ng pandaigdigang pag-aaral na akademiko hinggil sa Turpan. Ang mga bangkay na nahukay sa mga libingan ay hindi man lang nagbago. Maging ang mga pilikmata ay naroon pa rin. Sabi, ito ay dahil sa tuyong kapaligiran ng libingan. Hanggang sa kasalukuyan, mga 400 sinaunang libingan na ang nahuhukay dito at libu-libong relikya.