Noong 1975, nagsimulang mag-aral si Chen ng Nanyin at pumunta siya ng iba't ibang purok ng Taiwan, mainland, at timog silangang Asya para rito. Noong 1982, nagtagumpay siya sa pagpapadala ng kanyang grupo sa Europa para sa kauna-unahang pagtatanghal ng Nanyin at umani ito ng pinakamainit na reaksyon. Mga dalubhasa sa pambansag musika na galing sa mahigit 30 bansa ang nagsagawa ng palitan-kuro ukol sa Nanyin para galugarin ang pinagmumulan ng matandang musikang ito. Sa pamamagitan ng mga taong pag-aaral at field survey, ipinalalagay niya na ang pinagmumulan ng Nanyin ay maaaring mabakas sa matandang kulturang Tsino noong nakaraang mahigit 2000 taon at lumago noong panahon ng dinastiyang Han at Tang. Kaya itinatag niya ang grupong "Han Tang Yuefu" noong 1983. sinabi niya na,
"Ang pagkakatatag nito ay naglalagyong buhayin muli ang Nanyin para ibayo pang pasiglahin ang musikang ito. Kasi ito'y nabibilang hindi lamang sa Fujian, kundi sa buong Tsina, lalo na sa pamanang kultural ng buong sangkatauhan, at ito naman ay palatandaan at pagpapakita ng 5 libong taong sibilisasyong musikal ng Tsina."
Ang grupong ito ay nagsisikap para pag-aralan ang Nanyin at sanayin ang mga artista. Pinamunuan ni Chen ang grupong ito na bumisita sa mga kolehiyo at pamantasan ng mainland, Estados Unidos, Europa, Australia, Hapon, Timog Korea at timog silangang Asya para isagawa ang malawak na pagpapalitang akademiko hinggil dito. Sa kasalukuyan, matagumpay na hinaluan ng grupong ito ng elemento ng makabagong drama ang trandisyonal na estruktura ng Nanyin, lumikha ng isang serye ng katha na tumanggap ng malawak na pagpuri at ang kanyang grupo ay naging silanganing grupo na mainit na inaanyayahan ng mga mahalagang pestibal na pansining na pandaigdig at pambansang teatro para itanghal. Sinabi ni Chen na tinupad niya ang pangako noong panahon nang itatag ang grupong ito. sinabi niya na,
"Noong una nang hilingin ko sa aking kuya na katigan ako sa pag-aaral ng Nanyin at pagtatatag ng grupong ito, gumawa ako ng 3 pangako: una, magpapadala ako ng Nanyin sa pinakamataas na palasyong akademiko sa daigdig para magpakita ng bitalidad nito, ikalawa, magpapadala ako nito sa pinakamataas na palasyong pansining sa daigdig para magpakita ng modernong kahalina nito at ikatlo, iuuwi ko ito sa Forbidden City. Ang nabanggit na 3 pangko ay tinupad ko ngayon."
Ipinahayag ni Chen na upang balikan ng pabor ang pagkatig ng lipunan at kanyang kuya at umaasa siyang itatatag ang isang konserbatoryo ng musika ng Nanyin para masasalin ito sa hene-henerasyon sa ilalim ng kompletong sistema ng edukasyon.
|