Alam mo ba ang hinggil sa Great Wall ng Tsina? Ito ang isang sinaunang proyektong pandepensa ng Tsina na gumugol ng pinakamahabang panahon at gumamit ng pinakamaraming trabahotor sa pagtatayo nito. Nitong 200 B.C., Qin Dynasty, sinimulang malawakang itatag ng Tsina ang Great Wall, pagkaraan ng mahigit 2000 taon, ang dakilang pader na ito ay naging isang may 5000 kilometrong haba na kahanga-hangang arkitektura. Sumama tayo kina Xin Pinghe, fans ng Great Wall at Yu Bao, turist guide sa paghahanap ng sekreto ng isang bahagi ng Great Wall na itinayo noong 2000 taong nakalipas pero nananatiling kabuuan.
Si Yu Bao, aking turist guide, ay isang taga-Guyang at ang aming destinasyon ngayong araw ay isang sinaunang Great Wall sa labas ng kanilang nayong Tianshengcheng sa bayang Guyang ng Inner Mongolia. Sa daan, sinabi sa akin ni Yu Bao ang kaugalian ng mga taga-lokalidad sa paanan ng Great Wall.
"Napakabait ng mga taga-nayon. Anumang lugar ang gusto kong pumunta, ihahatid nila kami sa destinasyon namin. kung gutom na kayo, inialok nila ang pagkain."
Tumagal nang mahigit 2000 taon ang pagkakatatag ng Great Wall. Ayon sa materyal na pangkasaysayan, pagkaraang pag-isahin ni haring Qingshihuang ang buong Tsina, para mapanatili ang paghahari, iniutos niya sa 300 libong sundalo na pinamumunuan ni heneral Meng Tian na itatag ang great wall para mapigil ang posibleng pagsalakay mula sa hilangang Tsina. Nananatiling mabuti ang pader ng nasabing parte ng Great Wall na naitayo mahigit 2000 taon na ang nakalilipas, ipinakikita nito ang bukod-tanging katalinuhan ng mga sinaunang mamamayang Tsino.
Ang great wall ng Qin Dynasty sa bayang Guyang ng lunsod ng Baotou ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia ay isa sa kanila at napangangalagaan nang pinakamabuti.
Sa nayon ng Tianshengcheng, hindi nakita ang great wall bukod ang ilang bunok. At ganito sinabi sa amin ni Yv Bao na gumugol siya ng buong linggo para magpasyal ng buong great wall ng Qin Dynasty.
"Naglakad ako nang isang linggo. Halos 10 kilometro bawat araw. Mula sa pinagmumulan ng great wall, isang linggo ang ginugol ko sa pagtapos ng buong biyahe."
|