Kuya Ramon,
Kaunti lang ang alam ko sa China-ASEAN Expo na idinaraos sa Nanning taun-taon, pero hindi kakaunti ang aking paniwala na ito ay malaking factor sa tuluy-tuloy na paghigpit ng relasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN--natural kasama na diyan ang Pilipinas.
Sa ganitong malakihang trade exposition, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga bansang gustong mapabilis ang pag-unlad na maipakita sa mundo ang mga ipinagmamalaki nilang produkto, serbisyo at lugar na panturista. Pagkakataon din ito para sa pagpapalitang pangkultura ng mga sangkot na bansa.
Mabuti naman at nariyan ang Serbisyo Filipino para sa paghahatid ng mga balita hinggil sa Expo. Sana ipagpatuloy ninyo ito dahil kapakipakinabang ito sa lahat ng mga Pilipino.
Pablo Cruz San Juan, Cabangan Zambales, Philippines
|