Ayon sa ulat na ipinalabas ngayong araw ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, ang 30 taong reporma't pagbubukas ng Tsina ay nakakakita ng lumalakas na pambansang puwersa at lumalaking impluwensiya nito sa daigdig.
Ayon sa estadistika, nitong 30 taong nakalipas, tumataas na sa ikaapat na puwesto ng daigdig ang GDP ng Tsina na kasunod ng Estados Unidos, Hapon at Alemanya at sa taong 2007, ang GDP ng Tsina ay bumuo ng 6% ng GDP ng buong mundo kumpara sa taong 1978 na 1.8% lamang.
Ayon sa estadistika, sa taong 2007, umabot sa 2360 dolyares ang taunang kita bawat mamamayang Tsino kumpara sa 190 dolyares noong taong 1978. Kasabay nito, sa taong 2007, lumampas sa 5 trilyong Yuan o 700 bilyong dolyares ang fiscal revenue ng Tsina at umabot naman sa 1.53 trilyong dolyares ang reserba ng salaping panlabas ng Tsina.
Ayon pa sa estadistika, sa taong 2007, umabot sa 7.7% ng pandaigdigang kalakalan ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina na pumapangatlo sa daigdig. Bukod dito, nangunguna ang Tsina sa daigdig pagdating sa paggamit ng puhunang dayuhan at mabilis din ang paglaki ng direktang pamumuhunan ng Tsina sa ibayong dagat na umabot sa 18.7 bilyong dolyares noong taong 2007.
|