• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-30 15:25:37    
Great Wall na itinayo sa Dinastiyang Qin

CRI
Natandaan pa ni Yv Bao na ang karanasan niya sa panahong iyon: napakalakas ng hangin, parang umuungal ang lobo, unti-unti'y umalis na ang mga kasama niya at siya mag-isa'y nagtitiyaga sa paglalakad, dahil malakas ang pasyon niya sa great wall.

Isinama kami ni Yu Bao sa great wall ng Qin Dynasty na nakatayo sa gilid ng bunok. Ang pangunahing materyal sa pagtatayo sa bahagi ng great wall na ito ay migmatite at gneiss. Pagkaraan ng mahigit 2000 taon, hindi natagpuan ang bahid ng pagkawasak sa pader, ang tanging pagbabago nito ay naging mas madilim lamang ang kulay nito. Buo at patag ang pader pahilaga nito at malinaw ang bahid ng paggawa ng tao. Ang lahat ng materyal ay mga batong pinakintab na galing sa lokalidad.

Umakyat sa tuktok, nakita namin ang isang beacon tower, tuwang-tuwa si Xin Ping, big fan ng great wall:

"Mga 15 metro ang diameter ng moog na ito at 6 o 7 metro ang taas. Sa talampas ng Inner Mongolia, nagtatanggol ang moog sa seguridad ng nasyong Tsino, kahanga-hanga."

85 kilometro ang kabuuang haba ng bahagi ng great wall ng Qin Dynasty sa Guyang, may maraming rock painting sa mga pader at ang tampok nito ay imahe ng kambing.

Noong taong 1996, naging mahalagang cultural relics sa antas ng estado ang Great wall dito. Nitong ilang taong nakalipas, para mapasulong ang pangangalaga at maayos na paggagalugad sa great wall, idinaraos ng Guyang ang kapistahang kultural ng great wall bawat taon.