Kuya Ramon,
Alam niyo, hanggang 2 years ago, hindi ako talagang mahilig magluto. Ang pagluluto ko noon ay iyong tinatawag na maskipaps-maski papaano lang. Kung mga kapatid ko lang ang kakain, okay na ang luto ko. Pero kung sasabihin ninyo na para sa mga handaan, hindi pa ako puwede.Pero mula nang madinig ko ang cooking on the air ninyo, parang na-arouse ang interest ko sa cooking at nagkaroon ako ng special liking sa Chinese food. Napakarami pala talagang lutong Chinese at iba-iba ang ipinagmamalaking luto ng bawat bahagi ng China. Ang mga lutong unang una kong natutuhang lutuin ay iyong mga pagkain mula sa Southern China. Madali kasing mahanap ang ingredients. Sana ipagpatuloy pa ninyo ang pag-e-air ng program na ito dahil marami pa akong gustong matutuhang Chinese food.
Myra de los Santos Punta, Sta. Ana, Manila Philippines
|