• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-10-31 16:09:55    
Stir-fried Onions with Meat, Chinese Recipe for All Occasions

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Cooking Show ng programang Alam Ba Ninyo?

Magandang gabi. Kumusta na kayo Cooking Show fans?

Sabi ng ating guest cook sa gabing ito, wala raw siyang alam na Chinese recipe na sadyang ginawa para sa Halloween pero marami raw siyang alam na Chinese recipes na angkop sa lahat ng okasyon at ngayong gabi ituturo raw niya sa atin kung paano ihanda ang isa sa mga recipe na ito.

Okay, huwag na tayong magpaliguy-ligoy pa. Narito ang ating guest cook, si Filipinas Jovellanos, para sa sinasabi niyang resiping Tsino para sa lahat ng okasyon.

So, iyong sinasabi ni Fili na isa sa mga alam niyang all-occasion Chinese dishes ay itong Stir-fried Onions with Meat. Sabi niya, karne ng baboy daw ang talagang panahog dito pero puwede rin daw ang karne ng baka. Depende na lang daw sa kursunada o type ninyo. Basta siguruhin lang daw ninyo na walang taba.

Okay, alamin natin kay Fili kung anu-ano ang kakailanganin sa pagluluto ng Stir-fried Onions with Meat.

300 gramo ng sibuyas

30 gramo ng tubig

50 gramo ng lean meat

100 gramo ng mantika

2 gramo ng asin

20 gramo ng mixture of

1 gramo ng vetsin

cornstarch and water

8 gramo ng toyo

3 gramo ng xiaoshing wine

10 gramo ng asukal

Ngayon, simulan na natin ang paraan ng pagluluto. Naritong muli si Fili.

Thanks for your time, Fili. Huwag ka munang umalis, ha? Samahan mo muna akong tumikim ng luto mo.

Para doon sa mga hindi nakakabatid, si Fili ay isang professional singer. Pero kung gaano siya kapropesyonal sa pagkanta, ganun din naman sa pagluluto. Talagang seryosohan ang pag-aaral niya ng iba't ibang Chinese recipes.

Okay, naritong muli ang paraan ng pagluluto:

Alisan ng balat ang mga sibuyas tapos gayatin. Hiwa-hiwain din ang karne bago lagyan ng asin at buhusan ng xiaoshing wine at mixture of cornstarch and water. Haluing mabuti pagkatapos.

Mag-init ng mantika sa temperaturang 180-200 degrees centigrade. Igisa ang karne sa loob ng 2 hanggang 3 minuto. Hanguin at patuluin. Mag-iwan ng 50 gramo ng mantika sa kawali. Ilagay ang ginayat na sibuyas at igisa.

Buhusan ng tubig bago lagyan ng toyo, asin, vetsin at asukal tapos hintaying kumulo. Pagkulo, buhusan ng mixture of cornstarch and water para lumapot. Ilagay ang mga piraso ng karne at haluin.

Isalin sa plato at isilbi.

Meron ditong sulat si Myra de los Santos ng Punta, Sta. Ana. Sabi:

Kuya Ramon,

Alam niyo, hanggang 2 years ago, hindi ako talagang mahilig magluto. Ang pagluluto ko noon ay iyong tinatawag na maskipaps-maski papaano lang. Kung mga kapatid ko lang ang kakain, okay na ang luto ko. Pero kung sasabihin ninyo na para sa mga handaan, hindi pa ako puwede.Pero mula nang madinig ko ang cooking on the air ninyo, parang na-arouse ang interest ko sa cooking at nagkaroon ako ng special liking sa Chinese food. Napakarami pala talagang lutong Chinese at iba-iba ang ipinagmamalaking luto ng bawat bahagi ng China. Ang mga lutong unang una kong natutuhang lutuin ay iyong mga pagkain mula sa Southern China. Madali kasing mahanap ang ingredients. Sana ipagpatuloy pa ninyo ang pag-e-air ng program na ito dahil marami pa akong gustong matutuhang Chinese food.

Myra de los Santos

Punta, Sta. Ana, Manila

Philippines

Thank you so much, Myra, sa iyong liham.

Meron pang isang sulat dito pero ito ay walang kinalaman sa cooking. Ito ay hinggil sa katatapos na CAEXPO. Anyway, sabi ni Pablo Cruz ng San Juan, Cabangan, Zambales:

Kuya Ramon,

Kaunti lang ang alam ko sa China-ASEAN Expo na idinaraos sa Nanning taun-taon, pero hindi kakaunti ang aking paniwala na ito ay malaking factor sa tuluy-tuloy na paghigpit ng relasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN--natural kasama na diyan ang Pilipinas. Sa ganitong malakihang trade exposition, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga bansang gustong mapabilis ang pag-unlad na maipakita sa mundo ang mga ipinagmamalaki nilang produkto, serbisyo at lugar na panturista.

Pagkakataon din ito para sa pagpapalitang pangkultura ng mga sangkot na bansa.

Mabuti naman at nariyan ang Serbisyo Filipino para sa paghahatid ng mga balita hinggil sa Expo. Sana ipagpatuloy ninyo ito dahil kapakipakinabang ito sa lahat ng mga Pilipino.

Pablo Cruz

San Juan, Cabangan,

Zambales, Philippines

Maraming salamat din sa iyong e-mail, Pablo.

At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.