• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-11-04 17:53:05    
30 taong reporma sa industriya ng paglathala ng Tsina

CRI

Ang kasalukuyang taon ay ika-30 anibersaryo ng pagsasagawa ng reporma at pagbubukas ng Tsina at kasunod nito, makasaysayang pagbabago ang naganap sa industriya ng paglilimbag nito.

Ang Frankfurt Book Fair ng Alemanya ay pinakamalaki at pinakamahalagang plataporma ng kalakalan ng mga aklat sa daigdig. Sa ika-60 peryang ito na ipininid kamakailan, itinakda ng may kinalamang panig na ang Tsina ay lalahok sa susunod na peryang ito bilang bansang pandangal. Sinabi ni Li Dongdong, Pangalawang Puno ng General Administration of Press and Publication ng Tsina, na

"Ito'y kauna-unahang paglahok ng Tsina sa ganitong maringal na peryang pandaigdig ng industriya ng paglilimbag bilang bansang pandangal at sa panahong iyon, magpapadala kami ng mahigit 5000 uring mahusay na katha ng industriyang ito bagay na magpapakita hindi lamang ng lebel ng pag-unlad ng industriyang ito, kundi ng pagbabago ng buong Tsina sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas noong nakaraang 30 taon."

Noong panahon ng 10 taong Cultural Revolution mula noong 1966 hanggang 1976, tumigil ang pag-unlad ng kultura ng Tsina at halos sinarahan ang lahat ng mga institusyon ng paglilimbag. Pagkatapos ng rebolusyong ito, muling naging masigla ang mga mamamayang Tsino sa pag-aaral. Datapuwa't ang pagpapanumbalik at pag-unlad ng paglilimbag ay hindi nakatugon sa kahilingan ng mga mambabasa. Sinabi ni Yang Deyan, pirmihang pangalawang Direktor ng Publishers Association ng Tsina, na

"Pagkaraan ng ika-3 sesyong plenaryo ng ika-11 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina noong 1978, puspusang ininkorahe ng bansa ang pag-aaral ng wikang dayuhan, datapuwa't kakaunti ang mga bagong limbag na aklat at mabilis na nawala ang mga nakatagong libro bawat araw."

Sa pamamagitan ng 30 taong pag-unlad, lumilitaw sa industriyang ito ang masaganang kalagayan. Ayon sa estadistika ng GAPP, noong 2007, ang bilang ng mga uri ng aklat na inilathala ng Tsina ay umabot sa mahigit 240 libo mula mahigit 10 libo noong 1978, ang bilang ng mga uri ng magasin ay umabot sa mahigit 9 na libo mula mahigit 6 na daan noong 1977, ang bilang ng mga uri ng dyaryo ay umabot sa halos 2 libo mula 2 daang noong 1978 at ang bilang ng mga publikasyon ng video at audio ay umabot sa 460 milyon mula mahigit 30 milyon noong 1978.

Sa pamamagitan ng 30 taong pag-unlad, nagpaalam sa kasaysayan ng mahirap na pagbili ng libro ang mga mamamayang Tsino at nagtatamasa sa bunga ng pag-unlad ng industriyang ito at inisiyal na nabuo ang balangkas ng sistamang pambatas ng paglalathala na uminog sa batas ng copyright at itinatag ang sistema ng pangangalagang pangkatarungan at administratibo. Noong nagdaang taon lamang, nasamsam ng mga departamento ng copyright ng iba't ibang purok ng Tsina ang mahigit 70 milyong iba't ibang uri ng napiratang katha.

Nitong 30 taong nakalipas, walang humpay na bumukas ang industriya ng paglilimbag ng Tsina. Noong 1992, sumapi ang Tsina sa Berne Convention for the Protection of Literary and Artistic Works at Universal Copyright Convention. Noong 2003, tinupad ng Tsina ang pangako nito sa pagsapi sa WTO na binuksan ang industriya ng paglilimbag at pamilihan ng serbisyo at pagbebenta ng mga publikasyon at pinabilis ang pandaigdig na kooperasyon ng paglalathala. Sa mga plataporma ng pagpapalitan ng pandaigdig na sirkulo ng paglilimbag na gaya ng Frankfurt Book Fair, New York Book Fair ng Estados Unidos, London Book Fair ng Britanya, Tokyo International Book Fair ng Hapon at Seoul International Book Fair ng Timog Korea, ang Tsina ay naging isang mahalagang di-mawawalang kalahok.

Sa Beijing International Book Fair na ipininid kamakailan, ipinahayag ni Yan Xiaohong, Pangalawang Puno ng GAPP na patuloy na lilikha ang Tsina ng mainam na kapaligirang pangkaunlaran para sa pagtutulungan nila ng mga dayuhang panig sa sirkulo ng paglilimbag. Sinabi niya na

"Sa hiraharap, patuloy na palalakasin ng pamahalaang Tsino ang pagkatig sa patakaran at eenkorahehin ang pagpapalawak ng mga bahay-kalakal ng paglilimbag ng bansa sa pakikipagtulungan sa ibang bansa sa saklaw, larangan at porma at ang pagkatha ng mas maraming mahusay na produktong cultural. Kasabay nito, ibayo pang palalakasin ang pagbibigay-dagok sa illegal copy at itatatag ang sistema ng serbisyo ng copyright na mababa ang gastusin at mabilis ang transaksisyon."