Kamakailan, namatay si Xie Jin, bantog na direktor at master ng sine ng Tsina. Nitong nakalipas na ilang taon, ginunita si master Xie ng iba't ibang saray ng lipunang Tsino sa kani-kanilang paraan.
Isinilang noong 1923 si Xie Jin sa isang literary family sa lalawigang Zhejiang ng Tsina. Noong 1941, pumasok siya sa espesyal na paaralan ng dula at noong 1948, nagsimula ang kanyang karera bilang direktor. Noong 1957, idinirihi niya ang sineng "Nv Lan Wu Hao", ilang beses na nagwagi ang sineng rito ng katimpala sa daigdig at naging bantog siya sa sirkulo ng industriya ng pelikula. Hanggang ngayon'y itinuturing pa ito na pinakaklasikong sine ukol sa palakasan sa Tsina.
Sa susunod na 50 taon, idinirihi ni Xie Jin ang maraming sine na ipinakikita ang pagbabago ng lipunang Tsino. Ang kanyang "The Red Detachment of Women", "Mu Ma Ren", "The Opium War" at ibang mahigit 20 sine ay bantog sa kasaysayan ng sine ng Tsina. At hinggil kay Xie Jin, ganito sinabi ni Rao Shuguang, nagtatrabaho sa China Film Archive, na:
"Napakahalaga ni Xie Jin sa kasaysayan ng sine ng Tsina. Siya ang isang himala ng saray ng sine ng Tsina at siya rin ang master ng Tsina. Ang kanyang sine ay isinalaysay ang kasaysayan ng Tsina. Marami ang kanyang manonood mula sa iba't ibang saray ng lipunan."
Realistiko ang mga sine ni Xie at pinahahalagahan niya ang pagpapakita ng katangian ng iba't ibang epoka. At ito ay dahilan na nagustahan ang kanyang mga sine nitong nakalipas na 50 taon. sinabi dati ni Xie na:
"Ang sining at buhay ay pagkakaisa. Kapag ginawa ko ang sine, inisip kung maaantig ako ng kuwentong ito. Kung maaantig ako't luluha, ganyan rin ang mga manonood. Ang pagtasa ng mga manonood ay pinakamabuting test. Hindi mahalaga kung ano ang sinabi ng mga manunuri, ang pinakamahalaga ay pagsubok ng panahon at mga mamamayan."
Bukod dito, inihubog ni Xie ang maraming mahusay na aktor na kaya nina Zhu Shimao, Liu Xiaoqing, Jiang Wen, Pan Hong at Chen Chong, mga bantog na aktor sa loob at labas ng Tsina.
Sa pang-araw-araw na pamumuhay, si Xie Jin ay itinuturing na guro at kaibigan. Mahinhin siya't bukas-loob. Ang bantog na direktor ng Tsina na si Zhai Junjie ay matalik na kaibigan ni Xie. Ang pagkamatay ni Xie ay naglagay sa kanya sa kalagayan ng kabigatang-loob. Sinabi niyang:
"Maraming taon na kami ni Xie Jin ang magkaibigan. Ang parang apoy na kasiglahan niya ay nagmumula sa kanyang pagmahal sa pamumuhay at mga mamamayan. Malakas siya sa pag-inom ng alak. Isang plato ng mani, isang maalat na itlog ng pato ay tama na sa kanya."
Nang maganap ang super-lindol sa Wenchuan ng Lalawigang Sichuan ng Tsina sa taong ito, ginawa naman ni Xie Jin ang isang video show para magpahayag ng pakikiramay sa mga biktima sa lindol. At ang 3 minutong video na ito ay pinakahuling katha niya.
Sa kanyang artikulo, nagpahayag si Jiang Wen, bantog na aktor at direktor na gumanap ng leading role noon sa sineng "Fu Rong Zhen" ni Xie, kinagigiliwan ang kanyang sine ng aming nakakatandang henerasyon at gayon din ang aming nakababatang henerasyon. At para sa aming henerasyon, gusto rin ang kanyang sine. Masuwerte na akong naging isang aktor sa kanyang sine. At ito ang nag-iwan ng di-mabuburang impresyon sa aking buong buhay."
|