• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-11-06 16:07:18    
Tsina't Biyetnam, magkasamang nahaharap sa pandaigdigang krisis na pinansyal

CRI

Idinaos kamakailan sa Beijing ang Porum ng mga Bahay-kalakal na Tsino't Biyetnames.

Sa ilalim ng kasalukuyang pandaigdigang krisis na pinansyal, ang pagpapahigpit ng pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan sa iba't ibang larangan ng Tsina't Bieytnam at pagpapalalim ng kanilang komprehensibong partnership ng dalawang bansa para makinabang dito ang mga mamamayang Tsino't Biyetnames at magkasamang matugunan ang kasalukuyang krisis na pinansyal ng daigdig ay nagsilbing komong palagay ng mga kalahok na kinatawan ng dalawang bansa.

Namuno sa delegasyong Biyetnames si Punong Ministro Nguyen Tan Dung. Sa kanyang talumpati sa porum, ganito ang sinabi ni Nguyen.

"Masigla ang pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina't Biyetnam. Buong-sikap na lilikha pa ang Pamahalaang Biyetnames ng kondisyon para sa pagpapasulong ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan. Umaasa ang panig Bieytnames na maitatatag nito, kasama ang panig Tsino, ang relasyong pangkooperasyon sa iba't ibang larangan, lalung lalo na sa kabuhaya't kalakalan. Sa tingin ko, ang bawat na nalagdaang dokumento at bawat na proyektong pampamumuhunan ng dalawang bansa ay hindi lamang nagdudulot ng benepisyong pangkabuhayan, nagsisilbi ring tulay ng pagkakaibigang Sino't Biyetnames ang mga ito."

Sinabi pa ng punong ministrong Biyetnames na bilang tugon sa kasalukuyang krisis na pinansyal ng daigdig, isang serye ng hakbangin ang isinasagawa ng kanyang bansa. Sinabi niya na:

"Umaaksyon ang Biyetnam para mapasigla ang pangangailangang panloob at mapasulong ang pagluluwas. Naitakda rin namin ang mga preperensiyal na patakaran para mapasulong ang pamumuhunang dayuhan sa bansa. Kasabay nito, pinananatili namin ang pakikipagtulungan sa iba't ibang bansa na gaya ng Tsina. Salamat sa nasabing mga hakbangin, nananalig kaming mananatili pa ring 6.5% hanggang 6.7% ang bahagdan ng paglaki ng GDP ng Biyetnam."

Kaugnay naman ng natamong bunga ng nasabing mga hakbangin, ganito ang tinuran ni Nguyen.

"Ayon sa estadistika hanggang sa nagdaang Setyempre, umabot sa 6.52% ang bahagdan ng paglaki ng GDP ng Biyetnam, umabot naman sa 39% ang paglaki ng pagluluwas at lumaki nang 4 na beses ang halaga ng puhunang dayuhan. Bukod dito, mabisang nakontrol ng Bieytnam ang implasyon nito at nitong nagdaang Oktubre, lumaki lamang ng 0.18% ang Consumer Price Index ng aming bansa."

Sa ngalan naman ng panig Tsino, ipinahayag ni Wan Jifei, Tagapangulo ng China International Trade Promotion Committee, ang pasasalamat sa pagdalo sa porum ni Punong Ministro Nguyen. Sinabi niya na:

"Sa pagharap sa mga bagong problema at bagong kalagayan, dapat pahigpitin pa ng mga bahay-kalakal na Tsino't Bieytnames ang kanilang pagtutulungan. Mas maraming bahay-kalakal at opisyal mula sa dalawang bansa ang kalahok sa kasalukuyang porum at ipinakikita nitong sa pamamagitan ng palakas nang palakas na kakayahang pangkabuhayan ng dalawang bansa, sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap ng dalawang pamahalaan, kamara de komersiyo at bahay-kalakal ng dalawang panig, kapuwa mananatiling matatag ang kabuhayan ng Tsina't Biyetnam at lalawak pa ang kanilang pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan."

Napag-alamang aktibo ang pagpapalitan at pagtutulungang Sino-Biyetnames sa larangan ng pagmimina, makinarya, agrikultura, pagpoproseso ng mga produktong agrikultural, produktong akuwatiko, electronics, telekomunikasyon, konstruksyon at pagbabangko.