• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-11-13 13:32:49    
Cuisine ng Pransya sa Beijing

CRI

Katulad ng mga mamamayang Tsino, kilalang kilala rin ang mga mamamayang Pranses sa pagkain. At nang mabanggit ang ulam na Pranses sa Beijing, ang unang impresyon ng mga mamamayan ng Beijing ay "mahal". Sa unang dako ng 1980s na kasisimula lamang ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas sa labas, binuksan na sa Beijing ang sanggay ng dalawang restaurang Pranses-Justine's at Maxim's. ang ulam na inialok ng dalawang sangay na ito ay kasingmahal na iniserb ng punong himpilan nila sa Pransya.

20 taon na ang nakalipas, ang negosyo ng sangay ng Justine's at Maxim's ay nananatiling maganda sa Beijing. Ngunit makakakita kayo ngayon sa Beijing ng maraming restaurant Pranses na may iba't ibang estilo. Sa programa ngayong gabi, dadalaw tayo sa isa sa mga ganitong restaurang Pranses-Brasserie Flo.

Noong taong 1986, binuksan ang kauna-unahang Brasserie Flo sa Paris at hanggang sa kasalukuyan, may mahigit 300 Brasserie Flo sa iba't ibang lugar ng Pransya. Noong Setymbre ng taong 1999, ang unang Brasserie Flo sa Tsina ay bukas sa silangang Beijing. Sinabi sa amin ni Alexia Macera, market manager ng Brasserie Flo na:

"Sa panahong iyan, hindi marami ang restaurang Pranses sa Beijing, at ang nakararami sa kanila ay nasa malaking hotel. Nang buksan ang Brasserie Flo, isinagawa namin ang maraming promosyon, sa unang dalawang linggo, maaaring tumikim ang mga bisita ng mga ulam nang walang-bayad. Sa paglipas ng mga araw, unti-unting dumarami ang mga panauhin, may dayuhan at may mga Chinese. Sa kasalukuyan, mahigit 60% ng mga bisita ang mga mamamayang Tsino."

Ang "Brasserie" sa wikang Pranses ay nangangahulugang tindahan ng beer o restaurant, ayon sa salaysay ni Alexia Macera, naging popular ang ideya ng Brasserie noong 1980s, espesyal na tumutukoy ng mga restaurant na hindi mataas ang konsumo, pero, maganda ang pagkain at serbisyo. Itinuturing ng mga tao na restaurang Tsinong nagtatampok sa pangkaraniwang cuisine ang kanilang restaurant, masasabing, tasa sa kabuuan ang paghahabing ito. Pero, kung ihahambing sa ilang kilalang kilala na pangunahing restaurant, hindi kami nahuhuli kung ang ulam, kalidad at serbisyo ang pinag-uusapan.

Ganito koment ni G. Wang:

"Masarap ang mga tinapay at creamed tuna, masarap naman ang mantikilya na hindi malangis. Nagustuhan ko ang cream mushroom soup, matamis at makatas. Maganda ang anyo ng mga ulam at malasa."

Ang espesyalidad ulam na ipinagkaloob ng Brasserie Flo ay hindi lamang kinabibilangan ng fat liver, escargot at iba pang kilalang kilala na ulam na Pranses kundi ng mga seafood. Ang caramel flan at mousse cake ay popular na popular naman para sa mga panauhin.

Sa harap ng mga masarap na pagkain, sigurong nangangamba kami na ang pitaka naming ay hindi masyadong malaki, pero, pagkaraan ng pagsalaysay ni Alexia, naging mahinahon kami.

"Sa tanghali, mayroon kami ng set meal na nagkakahalaga ng 128 yuan RMB na kinabibilangan ng isang appetizer, isang main dish, isang dessert at isang inumin. Sa hapunan, mayroon kami ng isang set meal na nagkakahalga ng 158 yuan RMB."

Ang dalawa pang restaurang Pranses sa Beijing-Le Petit Gourmand sa Sanlitun Bar Street at Bleu Marine sa Guanghua xili ay may matingkad na katangiang lokal ng Pransiya. At sa Chaoyang district, kinaroroonan ng mga embahada at office building, makikita rin ninyo ang maraming restaurang Pranses. Kung maglalakbay kayo sa Beijing, welkam sa pagtikim ninyo ng mga ulam na Pranses sa rehiyong ito.