• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-11-13 13:50:40    
Sistema ng lupa ng Tsina

CRI
Sa mga lunsod at nayon sa Tsina, walang sistema ng pribadong pagmamay-ari ng lupa. May karapatan ng paggamit ng lupang lamang ang mga tao, sa halip ng pagmamay-ari nito. Pero, ayon sa household contract responsibility sistyma na itinakda ng Tsina noong katapusan ng ika-7 dekada ng tinalikdang siglo, maaaring matamo ng mga magsasaka ang karapatan ng operasyon ng maliit na lupa sa pamamagitan ng paglagda ng pangmatagalang kontrata. Ang systemang ito ay nagpataas ng kasiglahan ng mga magsasaka sa pagtatanim, nguni't, kasunod ng pagtaas ng produktibong lakas sa kanayunan, lumitaw ang mga isyung gaya ng labis na hiwa-hiwalay ang mga lupa, mababa ang utilization ratio at iba pa.

Noong 1978, sa kauna-unahang pagkakataon, isinagawa ang systema ng pagbabahagi ng lupa sa nayong Xiao Gang sa bayang Fengyang sa lalawigang Anhui sa silangang Tsina at sinimulan ang reporma ng systemang panlupa sa kanayunan ng Tsina. Sa kasalukuyan, sa nayong Xiaogang, pinagsanib muli ang mga hiwa-hiwalay na lupa para sa pagtatanim ng ubas at kabuto, sa pagpapaunlad ng masaklaw at espesiyal na agrikultura at turismo. Sinabi ni Shen Hao, namamahalang tauhan ng nayong Xiaogang na:

"Buong pagkakaisang ipinalalagay naming ang nagkaraang paraan ng sariling operasyon ng lupa ng iba't ibang pamilya ay makalutas lamang ng isyu ng pagpapadamit at pagpapakain, hindi makapagpayaman ng mga magsasaka. Walang ibang paraan para mapaunlad ang makabagong agrikultura at dagdagan ang kita ng magsasaka kundi ang kooperasyon . "

Sa Dazhi ng Lalawigang Hubei ng Tsina, nilagdaan ang kontrata ng isang magsasaka na si Hou Anjie at 20 libong magsasaka, at ayon sa kontrata, si Hou ang nakakuha ng karapatan ng paggamit ng mahigit 1300 hektaryang lupa at sa taong ito,nagkaroon siya ng masaganang. Sinabi niyang:

"Ginagamit namin ang makina para sa pagtatanim, paggapas at pagbebenta, sa gayo'y, mas mababa ang gastos at presyo na hindi maihahambing ito ng mag-iisa-isang pamiliya. "