Noong ika-10 ng Nobyembre ng 2001, ang Tsina ay opisiyal na naging ika-143 kasapi ng World Trade Organization o WTO pagkaraan ng 15 taong talastasan at paghihintay. Ito'y isa sa mga pinakamahalagang bunga sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina sapul nang isagawa ang reporma at pabubukas sa labas. Noong nakaraang 7 taon sapul nang sumapi sa WTO, tinupad ng Tsina ang mga pangako sa pamamagitan ng atityud na bukas-loob, pragmatiko at matapat sa sinabi.
Ang pagbubukas ay diwa ng nilalaman ng kasunduan ng pagsapi ng Tsina sa WTO na pinagtibay noong 2001. Sa larangan ng kalakalan ng mga paninda, komprehensibong binawasan ng Tsina ang taripa at kinansela ang mga hakbangin na gaya ng kota ng pag-aangkat batay sa pangako nito at isinagawa ang reporma sa sistema ng pangangasiwa sa kota ng taripa ng pag-aangkat ng malaking kalakal batay sa tadhana ng WTO, ang ganitong mga pagsisikap ay napagtibay ng WTO. Sinabi ni Shishir Priyadarshi, puno ng kawanihan ng pag-unlad ng sekretaryat ng WTO, na
"Bilang bansa na ang pagluluwas ay pangunahing tagapagpasulong na puwersa ng kabuhayan, natamo ang malaking progreso ng Tsina sa gawaing pagbabawas ng taripa sa larangang agrikultural at di-agrikultural. Sa larangang agrikultural, ang karaniwang taripa ay bumaba sa 9.8% at sa larangang di-agrikultural, ang taripang ito ay bumaba sa halos 8%. Ang mga hakbangin ng pagbabawas ng taripa ay nagdulot ng malaking paglaki ng bolyum ng kalakalan ng mga may kinalamang larangan."
Kumpara sa kalakalan ng mga paninda, mas malalim at pangmalayuan ang impluwensiya ng pangako ng pagbubukas sa larangan ng kalakalan ng serbisyo na gaya ng pinansiya, tele-komunikasyon at iba pa sa mga may kianlamang industriya ng Tsina. Sa kasalukuyan, sa industriyang pinansiyal, maaaring magkaloob ang mga bangko na pinatatakbo ng pondong dayuhan ng serbisyo ng RMB sa mga kliyente sa buong bansa, sa industriya ng tele-komunikasyon, maaaring palakarin ng mga bahay kalakal na pinatatakbo ng pondong dayuhan ang negosyo ng tele-komunikasyon sa Tsina sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga joint venture at sa larangan ng retail sales, pumasok sa Tsina na ang mga malaking transnasyonal na kompanya na gaya ng Wal-Mart at Carrefour.
Ang pagbubukas ng pamilihang Tsino'y hindi lamang nag-alok ng mas maraming pagpili sa mga mamamayang Tsino, kundi nagdulot ng presyur ng kompetisyon sa mga bahay-kalakal ng Tsina. Datapuwa't ipinalalagay ng karamihang mangangalakal ng Tsina na para sa mga bahay-kalakal ng Tsina, mas malaki ang natamong bunga na dulot ng pagsapi sa WTO kaysa sa pansamantalang kahirapan. Sinabi ni Jiang Jianqing, Tagapangulo ng Industrial and Commercial Bank, pinakamalaking bangko komersiyal ng Tsina, na
"Sa pagbalik-tanaw sa nakaraan, malalim ang damdamin at marami ang karanasan namin. Ang kompetisyon ay pinakamalaking puwersa sa pagpapasulong ng industriya ng bangko ng Tsina, bumago ito ng ideya ng mga bangko komersiyal ng Tsina at nagpasulong ng reporma ng mga bangkong ito."
Kasabay ng pagbubukas ng pamilihan, walang humpay na pinabuti ang sistema ng pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip o IPR ng Tsina. Sa kasalukuyan, buong sikap na pinalalaganap ng Tsina ang kaalaman ng pangangalaga sa IPR sa buong lipunan at pinataas ang kamalayan ng mga mamamayan nito sa pangangalaga sa IPR. Sinabi ni Yi Xiaozhun, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na
"Ang mga prinsipyo ng WTO na gaya ng transparency ay naging kabatayan ng lehislasyon ng Tsina at mas maraming mamamayang Tsino ang kumakatig sa mga ideya na gaya ng pandaigdig na pananaw, kompetisyon, kaunlaran at IPR. Mataimtim na sinusunod namin ang regulasyon ng WTO at tinutupad ang mga pangako at obligasyon."
Bukod dito, aktibo ang Tsina sa pagpapasulong ng liberalisasyon ng kalakalan. Sapul noong 2003, itinatag na ng Tsina at 29 na bansa at rehiyon ng Asya, Aprika, Latin Amerika, Europa, Oceania ang 12 malayang sonang pangkalakalan. Sinabi ni Yi na
"Kasabay ng pagbibigay ng ambag sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, aktibo kami sa paglahok sa Doha round ng talastasan at pagbalangkas ng tadhana ng pandaigdig na kalakalan, pagpapasulong ng proseso ng liberalisasyon ng kalakalan sa buong daigdig, pangangalaga sa interes ng mga umuunlad na bansa at nagi na kaming isang mahalagang puwersa ng sistema ng multilateral na kalakalan."
|