Kung sasariwain natin ang 30 taong reporma't pagbubukas sa labas ng Tsina, hindi maaaring hindi banggitin ang tawag na "espesyal na sonang pangkabuhayan".
Noong Hulyo, taong 1979, isang taon pagkaraang simulan ng Tsina ang pagsasagawa ng reporma't pagbubukas sa labas, napagpasiyahan ng Pamahalaang Tsino na itatag ang espesyal na sonang pangkabuhayan sa Shenzhen, Zhuhai, Shantou at Xiamen, apat na baybaying-lunsod sa dakong timog ng Tsina at noong taong 1988, ibinilang din ang Hainan, lalawigan sa katimugan ng bansa.
Ang dahilan ng pagpili ng nasabing limang lugar bilang espesyal na sonang pangkabuyan ay kahangga ang mga ito ng HongKong, Macao at Taiwan at nakakatulong ito sa pagpapapasok ng mga puhunang dayuhan. Upang mapatingkad ang papel ng mga espesyal na sonang pangkabuhayan bilang tagapanguna ng pambansang reporma't pagbubukas sa labas ng Tsina, dapat palayain ng mga mamamayang Tsino ang kanilang isip at tanggalin ang gapos ng mga tradisyonal na idea. Sa kabila ng mainitang pagtatalo, pinatunayan ng katotohanan na tumpak ang kapasiyahan ng pagtatatag ng mga espesyal na sonang pangkabuhayan.
Noong taong 1992, si Deng Xiaopeng, dating lider Tsino na tinataguriang punong arkitekto ng reporma't pagbubukas sa labas ay muling nagsadya sa mga espesyal na sonang pangkabuhayan at buong-liwanag na inilahad niyang ang planned economy at market economy ay hindi pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng sosyalismo at kapitalismo at ang market economy ay maaari ring maglingkod para sa sosyalismo. Salamat dito, natanggal ang gapos sa isip ng mga mamamayang Tsino sa kanilang pagsubok sa reporma't pagbubukas sa labas.
Nitong 30 taong nakalipas, sa pagtingkad ng bentahe sa karunungan, teknolohiya, pangangasiwa at patakarang panlabas, maraming natamong kahanga-hangang karanasan ang mga espesyal na sonang pangkabuhayan ng Tsina.
Ang isa sa mga pangunahing layunin ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma't pagbubukas sa labas ay isakatuparan ang pambansang modernisasyon at yumaman ang mga mamamayang Tsino. Ang layunin naman ng pagtatatag ng mga espesyal na sonang pangkabuhayan ay hayaan muna ang bahagi ng mga mamamayang Tsino na yumaman at sa kanilang pagtutulak, yayaman ang iba at sa gayon, magkakasamang makikinabang sa biyaya ng reporma't pagbubukas ang sambayanang Tsino, alalaong baga, nangunguna ang mga espesyal na sonang pangkabuhayan sa pambansang reporma't pagbubukas at sa kanilang pagpapasulong, sinimulang magsagawa ng reporma't pagbubukas ang lahat ng mga lugar sa baybayain-dagat ng Tsina at sa wakas, lumahok dito ang mga poruk sa interyor ng bansa. Salamat dito, mula taong 1979 hanggang 2007, ang karaniwang taunang paglaki ng GDP ng Tsina ay lampas sa 9%. Noong taong 2007, umabot sa 2360 dolyares ang karaniwang taunang kita bawat Tsino at noong 1978 naman, ang bilang ay 190 dolyares lamang. Bukod dito, nitong 30 taong nakalipas, ang mahirap na populasyon ng Tsina ay nabawasan sa kasalukuyang 20 milyon mula sa 250 milyon.
Sinabi ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina na ang reporma't pagbubukas sa labas ay kritikal na pagpili ng Tsina at nagpapasiya ito ng tadhana ng bansa at ito ring di-maiiwasang landas para sa pagpapasulong ng sosyalismong may katangiang Tsino at sa pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.
|