• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-11-25 16:09:38    
Mga pagbabago sa kasuotan ng Tsina nitong nakalipas na 30 taon

CRI

Ang kasuotan ay isang palatandaan at sumasagisag ito ng pag-unlad ng kabuhayan at kultura ng lipunan. Ang kasuotan ay isa ring memorya at gumugunita ito ng kasaysayan ng bansa. Mula sa kasuotan, puwede nating makita ang pagbabago ng Tsina nitong nakalipas na 30 taon sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas.

Noong ika-7 dekada ng ika-20 siglo, namamayani sa mga kalye ang kasuotang berde, asul, itim at abuhin at ang estilo nito ay iilang lamang tulad ng estilong tradisyonal, estilo ng unipormeng militar at uniporme ng mga manggagawa at magsasaka. Noong panahong iyon, ang salitang "fashion" ay hindi pa lumitaw sa Tsina. Hindi alam ng mga tao na kung ano ang "fashionable dress" at hindi alam nila kung papaanong isaayos ang kasuotan. Ngunit, noong 1979, ika-2 taon ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas sa labas, dumating ng Tsina si Pierre Cardin, bantog na tagadisenyong Pranses, na may dala siyang mga fashion dress. Para ipakita ang kanyang tatak, nananabik siyang hanapin ang isang modelo para subukin ang kanyang damit. Ang isang kalihim sa kanyang tanggapan ang umakit ng kanyang pansin. Sinabi niyang:

"Nakita ko ang isang kaakit-akit na lady. Bagama't hindi siya matangkad, medyo mataba. Nang alisin niya ang kanyang tsaketa, nagulat ako: sa ilalim ng tsaketa, may suot siyang 8 iba't ibang kulay na damit, pula, dilaw, asul at iba pa."

Nang lumabas ang kalihim na itong nakasuot ng damit na dinibuhuhan ni Cardin, nabighani ang lahat ng kanyang kagandahan.

Noong ika-8 dekada ng ika-20 siglo, pumsok ang "fashion" sa pamumuhay ng mga taong Tsino. Lumitaw sa kalye ang Amerikana, iba't ibang estilo ng saya at sun glasses. Noong 1984, idinaos sa Beijing ni Pierre Cardin ang kauna-unhang pagtatanghal ng kasuotang dayuhan at mahigit 20 libong manonood ang lumahok. Sinabi ni Zheng Siti, isa sa mga modelo ng eksibisyon, na:

"Ipinakita sa pagtatanghal ang ilang 100 uri ng kasuotan: matingkad ang kulay at moderno ang desenyo. Hindi ko nakita ang ganitong damit noon, bagay na nagbigay ng malaking pagkabigla sa aming paningin at damdamin."

Noong ika-9 na dekada ng ika-20 siglo, ibayo pang bumukas ang Tsina sa labas. Kasabay ng pagtaas ng lebel ng pamumuhay ng mga tao, naging mas moderno ang kanilang kasuotan. Lumitaw ang mga bat suit, jeans, slip at iba pa.

Nang pumasok sa siglong ito, natamo ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina ang kapansin-pansing bunga. Lumitaw sa pamilihang Tsino ang maraming speciality store na dayuhan na nagtatampok sa mga kilalang tatak sa daigdig na gaya ng Versace at Louis Vuitton. At nilapitan ng mga ito ang agwat ng kasuotan ng Tsina at daigdig. Nauunawaan ng mga tao na ang kasuotan ay hindi lamang para takpan ang katawan kundi nagpapakita ito ng kabuhayan, kasaysayan, sibilisasyon at sining ng bansa. Sinabi ni Hao Ning, editor na "BARZAAR", bantog na magasing moderno, na:

"Pagkatapos ng ika-9 ng nakaraang siglo, ang Tsina ay nakaranas ng isang yugto ng pagnumbalik. Noong 1997 at 1998, pumasok ito sa sukdulan. Lumitaw noong panahong iyon ang mga bagay na popular sa ibayong dagat. Kasabay ng pagiging internasyonal ng mga karera ng mga tao, nagiging mas moderno ang yong kasuotan. Nakita namin ang tunguhing ito at ipinapasok ang BARZAAR, pinakamabuti, pinakamatagumpay at pinakahinog na magasing Amerikano."

Tinala ng kasuotan ang pagbabago ng lipunan, kabuhayan at kultura ng bansa sa isang espesyal na paraan. At ang kasuotan ay palatandaan ng pag-unlad ng kabuhayan at kultura ng lipunan. Para sa lipunang Tsino, mula sa pagpapasok ng "modern" sa Tsina noong ika-7 dekada ng ika-20 siglo, hanggang sa pagtugma at initegrasyon ng ideya ng moda ng Tsina at daigdig sa bagong siglong ito, nitong nakalipas na 30 taon sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, ang kasuotan ang naging isang buhay na bintana para sa daigdig na umawain ang pagiging internasyonal ng Tsina.