• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-11-25 16:30:36    
Si Bai Chengren, musikero ng Tsina sa kantahing bayan

CRI

Noong CCTV Chinese Spring Festival Gala Evening 1990, umawit si Song Zuying, kilalang mang-aawit ng Tsina sa kantahing bayan, ng isang awit na Little Back Basket at mula noo'y naging popular siya sa buong bansa. Ang may-katha ng aiwt na ito ay Bai Chengren.

Bilang kilalang musikero sa kantahing bayan, ang 76 na taong gulang na si Bai Chengren ay kumatha ng ilang libong kantahing bayan at kabilang sa mga ito, ang mga napakapopular na awit sa buong bansa na gaya ng Little Back Basket, Dong-ting Lake perfumed with Fish and Rice, Go To Beijing with Tea at iba pa. Bukod dito, natuklasan at nahubog niya ang mga kilalang mang-aawit ng Tsina sa kantahing bayan na nina Li Guyi, Song Zuying, Zhang Ye at iba pa.

Isinilang si Bai Chengren noong 1932 sa Chengdu ng lalawigang Sichuan sa dakong timog kanluran ng Tsina. Bata pa'y mahilig siya sa musika. Noong 1952, pumasok siya sa konserbatoryong musikal ng Shenyang at naging unang henerasyon ng mga estudyante ng bagong Tsina na nag-aaral ng pambansang musika. Ipinalalagay niya na ang musika ay dapat maglingkod sa mga mamamayang Tsino, kaya pumalaot sila sa pag-aaral ng pambansang musika at lipos siya ng kasiglahan sa mga ito.

Sa mula't mula pa'y ipinalalagay ni Bai Chengren na ang bayan ay pinagmumulan ng pambansang musika. Noong 1955, nang magtapos ng kanyang kurso ng konserbatoryo, kusang-loob na siyang sumapi sa National Song and Dance Ensemble ng lalawigang Hunan sa dakong timog gitna ng Tsina.

Noong una nang sumapi si Bai Chengren sa grupo, lagi silang nagsadya sa mga purok ng pambansang minoriya para magpalabas. Sinabi niya na hinding hindi nalimutan ang hinggil sa kanyang unang palabas sa nayon ng lahing Yao: nang matapos ang awit niya sa Mandarin, walang anumang reaksyon ang mga manonood ng kababayang Yao. Bakit kaya? Sa pamamagitan ng imbestigasyon, saka nalaman niya na hindi nila naintindihan ang Mandarin. Mula noo'y ipinasiya niyang mag-aral at kumatha ng mga awit na naiintindihan ng mga pambansang minorya. Sinabi niya na

"Sa sumunod na araw ng palabas, dumalaw ako sa isang matandang babae ng lahing Yao na mahusay sa pagkanta ng kantahing bayan ng lahing Yao at natuto sa kanya sa pagkanta ng kanilang awitin. At sa sumunod na palabas sa bayan, umawit kami ng isang kantahing bayang tinuruan ako ng matandang babae at pagkatapos na pagkatapos ng pagkanta naming, umaalingawngaw agad ang palakpakan ng mga manonood lokal at hiniling nilang ulitin ito nang isang beses."

Ang naturang kanta ay unang kantahing bayan na kinatha ni Bai sa Hunan at ang pagtanggap ng mga manonood lokal ay nagpatatag ng kanyang pananalig na kathain ang mga kantahing bayan na may katangian ng lokalidad para sa mga manonood ng buong bansa. Mula roon, bumisita siya sa mga purok ng pambansang minoriya ng Hunan at nag-ipon ng mga kakanggata ng musika ng bayan. May 11 pambansang minoriya sa Hunan at mayaman ang mga kantahing bayan. Sa kanyang paglalakbay-suri, kumatha si Bai ng maraming kantahing bayan. Kaugnay nito, sinabi ni Zhen Kuizhang, dating Direktor ng tanggapan ng grupo ng Hunan, na

"Nitong nangakaraang taon, kumatha si Ginoong Bai ng maraming kinagigiliwang awitin at ang mga ito'y naging sagisag ng Hunan. Kahit saan, kung maririnig ang mga kantang ito, ang unang reaksyon sa isip ay Hunan."

Noong 1996, retirado si Bai Chengren. Datapuwa't hindi itinigil niya ang pagkatha ng mga awitin, at sa halip, pumasok siya sa isang bagong yugto ng pagkatha. Kasabay ng walang humpay na kumatha siya ng mga bagong kanta, muling bumisita siya sa mga purok ng pambansang minoriya ng Hunan. Nakita niya na sa kasalukuyan, kinakaharap ng mga kantahing bayan ang panganib na hindi maipagpapatuloy. Upang sumagip ng kantahing bayan, gumawa siya ng buong makakaya nito sa pangangalap ng pondo para sa pagpapalaganap ng kantahing bayan. Sinabi niya na

"Nagplano ako na palaganapin ang kantahing bayan, pangunahin na, sa mga purok na pinaninirahan ng mga lahing Miao, Yao, Dong, Tujia at iba pa. Mayaman at maganda ang mga kantahing bayan nila at hinding hindi puwede mawala ang intangible cultural heritage na ito."