Nitong 30 taong nakalipas sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma't pagbubukas sa labas, naisakatuparan nito ang kahanga-hangang mabilis na kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan, bagay na inilalarawan ng daigdig bilang "milagro ng Tsina." Salamat sa pag-unlad ng Tsina, hindi lamang nalutas ang pagpapakain at pagpapadamit ng mga mamamayang Tsino, nakikinabang din dito ang buong mundo.
Sa kasalukuyan, ang Tsina ay isang napakahalagang tagalahok sa globalisasyong pangkabuhayan. Kaugnay nito, ganito ang tinuran ni G. Wang Yusheng, dating opisyal na Tsino ng APEC, Asia-Pacific Economic Cooperation.
"Noong unang 30 taon sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, sa kabila ng mga negatibong elemento, nagbago nang malaki ang bansa at naglatag ito ng pundasyon. Nitong 30 taong nakalipas naman sapul noong 1978 nang simulan ng Tsina ang reporma't pagbubukas, mabilis na sumusulong ito at palaki nang palaki ang impluwensiya nito sa daigdig."
Noong taong 2007, ang GDP ng Tsina ay bumuo ng 6% ng kabuuang GDP ng daigdig at 17% ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig ay nanggaling sa Tsina. Sinabi ng ulat ng International Monetary Fund o IMF na isinapubliko noong Oktubre, taong 2007 na sa halip ng Estados Unidos, ang Tsina ang siyang nagbibigay ng pinakamalaking ambag sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Ang "pagkakataon, ang bagong pangalan mo ay Tsina" ay isang pangungusap na nabasa sa media na dayuhan noong taong 2003 at nagpapahiwatig ito ng ibinibigay na pagkakataon ng Tsina sa buong daigdig.
Ayon sa estadistika ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, nitong 30 taong nakalipas, 760 bilyong dolyares na puhunang dayuhan ang naibuhos sa apat na sulok ng Tsina at ang halagang ito ay kasunod lamang ng iyong mga sa Estados Unidos.
Ang mga bahay-kalakal ng Tsina naman ay lumalabas din ng Tsina. Hanggang taong 2005, may puhunan ang mga bahay-kalakal na Tsino sa 163 bansa't rehiyon na nagkakahalaga ng 57.2 bilyong dolyares. Ayon sa komentaryo ni Pangulong Abdoulaye Wade ng Senegal na isinapubliko sa Financial Times ng Britanya, maraming proyekto ng impraestruktura sa mga bansang Aprikano ang tinulungang itatag ng panig Tsino at nakakatulong ito sa pagpapasigla ng kabuhayang lokal.
Kaugnay naman ng idinulot na epekto ng Tsina sa kayarian ng kabuhayang pandaigdig, ganito ang inilahad ni G. Wang, dating mataas na opisyal ng APEC.
"Ang pag-unlad ng Tsina at iba pang mga umuunlad na bansa na gaya ng Brazil at India ay tiyak na bumabago ng kayarian ng daigdig. Sa isang banda, binabago nila ang proporsyon ng mga umuunlad na bansa sa kabuhayang pandaigdig at sa kasalukuyan, umaabot sa 49% ang proporsyong ito. Sa kabilang banda naman, nagpapasulong ito ng multipolarisasyon."
Sa kasalukuyan, umabot sa 24 trilyong Yuan RMB o 3.5 trilyong dolyares ang GDP ng Tsina na kasunod ng Estados Unidos, Hapon at Alemanya at ang foreign exchange reserve ng Tsina ay lampas na sa 1.9 trilyong dolyares na nasa unang puwesto sa daigdig.
Ang pag-unlad ng Tsina ay nagpapatatag din ng kabuhayang pandaigdig. Noong 1997 nang sumiklab ang krisis na pinansyal sa Timog Silangang Asya, ang pagpapatatag ng Tsina ng halaga ng RMB ay nagpasulong ng pagbangon ng mga bansang Asean. Sa kasalukuyang taon naman, bilang tugon sa pandaigdig na krisis na pinansyal, ang Tsina ay naglaan ng 4 na trilyong Yuan RMB o 572 bilyong dolyares para mapasigla ang kabuhayang panloob.
Sa kanyang paglahok sa katatapos na G20 Summit hinggil sa kabuhaya't pinansyang pandaigdig, sinabi ni kalahok na Pangulong Hu Jintao ng Tsina na ang pagpapanatili ng kanyang bansa ng mabilis at matatag na pag-unlad ng pambansang kabuhayan ay nagsisilbing malaking ambag sa pagpapasulong ng kabuhayang pandaigdig at sa harap ng mga bagong hamon, nakahanda ang Tsina na magdulot ng higit pang maraming pagkakataon sa buong mundo.
|