hutong
Ang Beijing ay isang matandang lunsod na pangkultura na naging punong lunsod ng Tsina nitong 800 taong nakalipas, dahil sa pagbabago ng kasaysayan, ang matingkad na atmospera ng tradisyonal na kulturang Tsino ay namamayani sa Beijng. Sa lunsod na pinagsasama ang mga arkitekturang makabago at tradisyonal, ang Hutong at chinese courtyard ay hindi lamang naging tanghalan ng pagpapatingkad ng kasaysayan at kultura ng Beijing, kundi isang palatandaan ng lunsod.
Ang chinese courtyard ay arkitekturang binubuo ng apat na bahay sa apat ng dako, parang isang square. At ang daan sa pagitan ng mga chinese courtyard ay tinatawag na hutong.
pinto ng Chinese countyard
Sa kasalukuyang Bejing, may ilampung sinaunang rehiyong binubuo ng kumpletong hutong at chinese courtyard, ang Shishahai ay isa sa kanila. Noong ika-13 siglo, ang Shishahai ay hilagang dulong ng transportasyong pantubig na nag-uugnay ng timog at hilagang Tsina. Pagpasok sa noong ika-17 at ika-18 siglo, dahil malapit ito sa palasyo ng emperador, at magandang maganda ang tanawin, ito ay naging lugar kung saan nagtipun-tipon ang mga mataas na opsiyal at maharlika. At hanggang ngayon, ang Shishahai ay naging reserve area ng Beijing tungkol sa Hutong at Chinese countyard na pinakamalaki ang saklaw at pinakamabuti ang reserbasyon. Isinalaysay sa amin ni Wang Kai, isang tourist guide na:
"May mga dalawa o tatlumpung daang hutong dito, at sa 2 kilometrong kuwadrado ng Shishahai, naninirahan ang 40 o 50 libong tao, ganap na magkakaiba ang pamumuhay dito at sa gusali."
pinto ng Chinese countyard
Sa Hutong ng Beiguanfang na nasa timog pampang ng lawa ng Shishahai, sina 50 taong gulang na Yuan Li at kanyang asawa Zhang Yongqiang, ay naninirahan dito nang mahigit na ilampung taon. Ayon kay Yuan na sa hene-henerasyon, namumuhay ang kanyang pamiliya dito, ngayon, binuksan ang kanyang bahay sa mga turista, sinabi ni Yuan na:
"Mahigit 300 metro kuwadrado ang aming courtyard na may 16 silid sa kabuuan. Naninirahan dito ang aming tatlong henerasyon, walong tao. Magkakasamang namumuhay kami nang 20 taon, kakaunti ngayon sa Beijing na pamiliya tulad namin."
loob ng Chinese countyard
Pagkaraang bumisita ng pamilya ni Gt Yuan, sinabi ng isang turistang galing sa Taiwan na gustong gusto niya ang kapaligiran dito. Sinabi niyang:
"Napakabuti ng reserbasyon ng lokal na kaugalian dito, halos nawawala ang maraming pamana sa sinaunang panahon. Gusto ko ang damdam sa Hutong"
Sinabi minsan ni Xie Ninggao, isang propesor ng Peking University na ang relasyon ng Hutong at mga taga-Beijing ay parang coral at mga hayop na pandagat. Ang Hutong at Chinese courtyard ay isang di-puwedeng-mawawalang parte ng Beijing, kung wala ang mga ito, wala na ang buhay ng Beijing. Para rito, isinagawa ng mga may kinalamang departamento ng Beijing ang maraming hakbangin para sa pangangalaga, halimbawa, isinagawa ang pangangalaga o pagkukumpuni sa lahat ng Chinese countyard sa matandang kalunsuran, ineenkorahe ang pagpapaunlad ng usaping kultural at industriyang panturista na naangkop sa tradisyonal na katangian ng matandang lunsod at iba pa.
mga rickshaw sa Beijing
Si Jiao Zuojie ay isang beteranong rickshaw man, tuwing araw, dinadala niya ang mga turista mula sa loob at labas ng bansa sa pagpapasiyal sa mga hutong sa Shishahai. Sinabi ni Jiao na nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na isinagawa ng pamahalaan ang pagkukumpuni at pangangalaga sa Hutong at Chinese countyard dito, napabuti naman ang mga imprastruktura. Sinabi niyang:
"Naging napakaginahawa ng pagpasok at paglalabas, masyadong nagustuhan ng mga matatanda na tumira sa Hutong."
|