• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-12-02 16:57:04    
Feng Yuanzheng, isang bantog na aktor

CRI

Si Feng Yuanzheng ay isa sa mga paboritong aktor na lalaki ng mga mamamayang Tsino. Nitong nakalipas na maraming taon, nag-iwan ang kanyang papel sa mga dula, pelikula at TV series ng malalim na impresyon dahil dito, si Feng Yuanzheng ay napagkakamalan sa pamumuhay ng mga manonood na papel na ginanap sa palabas. Kaya, sa pamumuhay, nakakaranas si Feng minsan ng nakakahiyang kalagayan.

Si Feng Yuanzheng ay 45 taong gulang ngayong taon. Noong 1985, namasukan siya sa Beijing People's Art Theatre o BPAT. Noong 1989, pumunta siya sa Alemanya para mapahusay ang kanyang performance skill. Umuwi siya noong 1991 at naging isang aktor ng BPAT. Hanggang ngayon, gumanap siya ng mga halos 10 leading role sa mga dula, pelikula at TV series at itinuturing na isang mahusay na aktor.

Ngunit, noong 2002, ang panguhing papel na ginanap ni Feng sa TV series "Don't speak to strangers" ay nagtulak sa kanya sa nakakahiyang karanasan. Sa TV series na ito, si Feng ay isang doktor. May hinala siya sa kanyang bagong kasal na asawa dahil ang huliw ginahasa minsan. Lagi niya binugbog ang asawa at sa wakas nagi siyang isang mamamatay-tao, kay galing ng kanyang palabas na siya'y napagkakamaliang mamamatay-tao mismo ng maraming manonood. Minsan, nang kumain siya sa isang restaurant, nilapitan siya ng isang mam at tinampal sa kanyang ulo, pagkatapos, sinabi niyang: "Huwag mo sundukin pa ang iyong asawa!" hinggil dito, ipinalalagay ni Feng na bilang isang aktor, hindi dapat labis na pahalagahan ang umano'y "karangalan". Sinabi niyang:

"Gumanap ako ng papel na ito dahil nakaantig ang aking sarili. Bilang isang aktor, hindi mahalaga gaano ang kikita, ang pinakamahalaga ay kung ano ang iniwan sa mga manonood "

Dahil ang masamang imahe niya bilang "lalaking may problema" ni Feng sa screen ay nakaugat sa puso ng mga manonood, nawalan ang mga manonood ng pananalig kay Feng sa pamumuhay: baka sa pamumuhay, katulad ng papel nito sa screen, siya'y isang "asawang may problema". Kamakailan, inilimbag ang librong "Perhaps Love " na isinulat ni Feng Yuanzheng at ng kanyang asawang si Liang Danni. Sa librong ito, inirekord ang kanilang 15 taong nagmamahalang pamumuhay. Hinggil sa kanyang marriage, sinabi ni Feng na:

"Magkasamang namumuhay ako at si Danni hanggang ngayon at kami ay may kaming sariling paraan ng pamumuhay. Ang pagkakasal ay nangangailangan ng pagbibigayan. Sa librong ito, inirekord ang paggalang namin sa isa't isa. 10 taon, 15 taon at 20 taon, nagbabago ang relasyon ng dalawang tao. Ang pag-ibig ay pinalitan ng familial affection."

Sa kasalukuyan, ibinabrodkast sa Beijing TV o BTV ang TV series "Ang pinakahuling Lord". Sa TV series na ito, gumanap si Feng ng leading role, ang lord. May ugaling mapagpatawa siya. Ang palabas niya ay pinapurihan ng maraming manonood. Sinabi ng isang manonood na: "Dahil sa 'Don't speak to strangers', kinapootan ko siya ng maraming taon, ngayon muli ko siyang nagustuhan."

Napag-alaman, nakahanda ngayon si Feng para gumanap sa isang TV series na nagpapakita ng buhay ni Hou Baolin, bantog na komedyanteng Tsino. Bawat araw, nakikinig si Feng sa mga talk show ni G. Hou para kayahin ang kanyang aksyon at pananalita. Ipinalalagay ni Feng na para sa kanya, ang pagganap ng iba't ibang tauhan sa dula, pelikula at TV series ay maligayang bagay. Sinabi niyang:

"Ako ay isang maligayang aktor. Dahil nagpapalabas ako hindi lamang sa pelikula o TV series para ipakita ang aking sarili, kundi nagpapalabas sa Beijing People's Art Theatre. Ito ay tanghalang tinitingala ng maraming aktor. Kung gaganap lamang ako ng papel sa pelikula at TV series nang buong buhay, hindi makapaggaganap ako ng papel sa 'Teahouse'. Kung gaganap ako ng papel sa dulaan lamang nang buong buhay, hindi makakasalubo ako ng 'Don't speak to the strangers'."