• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-12-04 10:44:39    
Kabuhayan ng punong himpilan

CRI
"Kabuhayan ng punong himpilan" ay isang pormang pangkabuhayang nangngahulugang ang mga punong himpilan ng mga bahay-kalakal ay nagkakatipun-tipon sa isang lugar na may partikular na bentahe sa yaman at ang mga base ng produksyon at pagyari nila ang ilagay sa iba pang lugar.

Sa kasalukuyan, may mga isyung gaya ng pagtaas ng presyo ng bahay, pagsikip ng trapiko sa sentral na rehiyon ng malaking lunsod ng Tsina at kaya, kinakaharap ang napakalaking presyur ng gastusin ng mga punong himpilan ng bahay-kalakal. Pero, ang paglalagay ng mga punong himpilan sa isang rehiyong malayo sa sentro ng lunsod ay makakabuti sa maayos na pagbabahagi at paggamit ng yaman at salamat dito, makakaunlad ang mga bahay-kalakal nang mas mabilis at mabuti at bukod dito, makapagtatamasa ang mga punong himpilan ng bahay-kalakal ng biyaya sa buwis, employment at iba pa.

Tinukoy ng eksperto na batay sa 30-taong pag-unlad sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, maliwanag na tumataas ang lebel ng industrya ng pagyari ng Tsina, pero, hindi nagkakabalansa ang pag-unlad ng mga rehiyon. Sinabi ni Zhao Hong, puno ng instituto ng pananaliksik ng kabuhayan ng Academy of Social Science ng Beijing na:

"May pagkakaiba ang iba't ibang rehiyon, kaya, maaaring ayusin ang gawain batay sa porma ng 'kabuhayan ng punong himpilan', alalaong baga'y, inilalagay ang mga punong himpilan, pangunahin na sa malalaki at katam-tamang laking lunsod at ang produksyon at pagyari, pangunahin na sa katam-taman at maliliit na lunsod."

sa gayo'y, sa isang dako, maaaring mapataas ang episiyensiya ng pagpapatatakbo, at sa kabilang dako naman, maaaring pasiglahin ang pag-unlad ng mga katam-taman at maliliit na lunsod.

salin:wle