• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-12-09 12:03:16    
Ang bigkis ng damdamin sa "Yongjiu"

CRI

Nitong nakalipas na 30 taon sapul isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, nagbago nang malaki ang paraan ng paglalakbay ng mga mamamayang Tsino: mula paglalakad hanggang pagsakay ng bisikleta, mula motorsiklo hanggang kotse at sa wakas, balik naman mul sa bisikleta. Sa sirklong ito, isang tatak ang nauukit sa puso ng mga tao: Yongjiu.

Ang "Yongjiu" ay isang bantog na tatak ng bisikleta noong ika-8 dekada ng nakaraang siglo at ito ang may mahalagang katuturan para sa maraming tao noong pahanong iyon: ang bisikleta ay pinakamahalagang sasakyan ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao at ito ang isa ring mahalagang palatandaan sa pagtasa sa pamantayan ng pamumuhay.

"Para sa aming mga kabataan sa kanayunan, ang bisikleta na katulad ng BMW ay palatandaan ng katayuan namin sa kanayunan at ang lahat kami ay umaasang may isang bisikleta. "

Ang karirinig ninyong nagsasalita ay 52 taong gulang na si Yang Xiaoyun. 27 taon na ang nakararaan, dahil sa isang bisikletang "Yongjiu", nagi siyang kilalang tao sa buong bansa. Noong 1981, ika-3 taon sapul nang isagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas sa labas, salamat sa isinasagawa noong household contract responsibility system sa kanayunan ng buong Tsina, nag-ani nang masagana si Yang Xiaoyun, isang magsasakang taga-Hubei sa pagkaing-butil at natupad niya ang target na itinakda ng bansa at nagbenta pa siya ng kanyang mahigit 5 libong kilong labis na pagkaing-butil sa bansa at sa gayo'y binig yang-dangal siya ng pamahalaan, at samantala, natamo niya ang isang bisikletang "Yongjiu" mula sa pabrikang bisikleta ng Shanghai. Noong panahong iyon, ang bisikleta ay isang panindang luho sa kanayunan. Sinabi ni Yang na:

"Ipinahiram ko ang bisikletang ito sa maraming tao, lalung lalo na sa mga nobyo para sa pagkakasal. Tumulong ang aking bisikletang ito sa pagkakasal ng 8 nobyo. Noong panahong iyon, ang bisikleta ay pinakamabuting sasakyan para sa pagkakasal."

Noong huling dako ng ika-8 dekada ng nakaraang siglo, malaki ang pagtaas ng output ng "Yongjiu" at unti-unting naging popular ang bisikleta sa buong bansa at ang Tsina ay tinaguriang "Kaharian ng Bisikleta" dahil umabot minsan 500 milyon ang bilang ng bisikleta ng bansa. Kasabay nito, mas maraming bantog na tatak ng mga bisikleta ang nangagsulputang gaya ng "Feige", "Fenghuang", ngunit ang "Yongjiu" ay pinakabantog pa.

Kasabay ng patuloy na paglalim ng reporma at pagbubukas sa labas at pagtaas ng lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan, unti-unting napalitan ang bisikleta ng public transport at private car. Ngunit, kasabay nang lumolobo ang bilang ng kotse, naging masyadong masikip ang daan sa mga sasakyan, mas masama ang kapaligiran at mas kulang ang gas, sa gayo'y ang bisikleta ay nanunumbalik muli sa pamumuhay ng mga tao. Mabiling mabili pa rin ngayon ang bisikleta. Sinabi ni Dong Jianjun, isang salesman ng bisikleta na:

"Hindi mawawala ang bisikleta sa anumang panahon. Maginhawa ito at ngayon, mayroom kami ng folding bicycle, maginhawa ang pagdala nito. "

Katulad ng sinabi ni Dong, mas marami ang uri ng mga bisikleta, gaya ng bisikletang ginamit sa pag-aakyat sa bundok, bisikleta para sa body-building at iba pa. Ipinalalagay ni Wang Yunchang, dating puno ng pabrikang bisikleta ng Shanghai, na:

"Ang pagdating ng kasalukuyang yugto ay di-maiiwasang kinalabasan ng kasaysayan. Mula sa sasakyang may isang gulong hanggang sa may 2 gulong, 3 gulong, 4 gulong. Batay sa inaasahang internasyonal, babalik muli ang mga tao sa panahon ng sasakyang may 2 gulong. Dahil, nagtitipid ito ng enerhiya. Maraming bansa, ngayon, ay gumagawa ng mga daang ginagamit lamang ng bisikleta."

Ipinalalagay ng mahigit 80 taong gulang na si G. Wang na patuloy na magtutulak ang 2 gulong na bisikleta sa mga tao tungo sa maaliwalas na hinaharap.