• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-12-10 10:14:45    
Kilala-kilalang bayang Bo'ao

CRI

Sa silangang pampang ng South China Sea, may isang town na tinawag na Bo'ao. 2 metro kuwadrado lamang ang saklaw ng town na ito at mahigit 10 libo lamang ang populasyon. Mula noong taong 2002, sinimulang idaos ang taunang pulong ng Bo'ao Asian Forum dito, at mula noo'y, nakatawag ito ng malaking pansin ng mass media ng daigdig.

tanawin ng Bo'ao

Ang Bo'ao ay nasa lunsod ng Qionghai ng lalawigang Hainan, nilahukan minsan ni Wang Yi, isang working staff ng pamahalaang lokal, ang mga gawaing preparatoryo ng porum. Sinabi niyang nang sariwain ang tagpo ng una niyang pagkarito sa Bo'ao.

"Noong taong 1985, nang dumating ako sa Bo'ao, parang pumasok ako sa Shangri-La, magandang maganda ang mga tanawin at mabait na mabait ang mga taga-lokalidad."

tanawin ng Bo'ao

Dahil sa ganitong natural na tanawin, naakit nito si Jiang Xiaosong, isang businessman at social activist, ipinasiya niyang mamuhunan at galugarin ang lugar na ito. Itinatag niya ang Hainan Boao Investment Holding Ltd. Pagkatapos nito, ginamit niya ang kanyang impluwensiya at inanyaya ang mga dating lider ng Hapon, Australya, Pilipinas na maggolp sa Bo'ao, at sa banding huli'y inisyalan nilang itatag ang pangmalayuang Bo'ao Asian Forum. Tungkol dito, sinabi ni Jiang Xiaosong na:

"Ang pagpunta ko sa Bo'ao ay ganap na hindi sinasadya. Nakita ko ang magandang lagay doon at saka pinasimulan ko ang trabaho. Hindi dahil sa pagkakaroon ng porum ng Asya. Saka pinili ang Bo'ao, sa kabaligtaran, may Bo'ao muna, saka lumitaw dito ang Bo'ao. Siyembre, ang paglitaw ng Porum ng Asya ay para tugunan ang pangkalahatang pangangailangan ng Asya noon"

tanawin ng Bo'ao

Mula noong unang dako ng kasalukuyang siglo, lumaki nang halos 10 ulit ang populasyon sa Bo'ao. 60% sa kanila ang nagtatrabaho sa mga larangang may kinalaman sa industriyang panturista. Bawat taon, mahigit 100 pulong ang idinaraos dito. Lumaki nang malaki ang bilang ng mga star hotel, kabilang dito, 35 ang pinatatakbo ng mga magsasaka sa lokalidad, natatanggap nila ang mga 2 o 3 milyong turista bawat taon. Masiglang masigla ang daungan ng Yudaitan, kung sa tourist season.

Dinala ni G. Wang, isang tourist guide ng ahensiyang panturista ng Chunzhilv ng Hainan ang apat na grupo bawat buwan na magpasiyal sa Bo'ao, sinabi niyang:

"Sa Bo'ao, ang natural na tanawin ay tampok, katanging tangin: Pinaghugpungan ng tatlong ilog, pinakamakitid na kababawan sa daigdig-Yudaitan. Ang pagpili ng pagdaraos ng Asian Forum sa Bo'ao ay dahil, pangunahin na, maganda ang natural na tanawin dito."

maliit na bayang Bo'ao

Mabait ang taga-bo'ao. 63 taong-gulang na Huang Dunji ay nagpapatakbo ng isang restawran ng roast goose. Ang roast goose ay isa sa mga katangiang ulam sa lokalidad. Ilang metro kuwadrado lamang ang dating restawran niya at ito ay lugar na kinakainan at pinag-uusap-usapan ng mga residenteng lokal. Ang kanyang restawran ay laging dinadalaw ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa at naging isang dalawang palapag na gusali ang kanyang restawran ngayon.

"roast goose"

"Masarap na masarap ang mga ulam ng aking restawran at marami ang bisita. Mahusay ang aking ina sa pagluluto at pinakamasarap ang inihand niyang ulam na pantahanan. Kung kotento ang mga bisita sa aming serbisyo, tiyak na babalik sila muli."

Kung walang malaking pulong, karaniwan'y bumibisita ang mga turista sa Bo'ao sa umaga. Sa alas-2 o 3 sa hapon, umuuwi na ang mga residenteng nagnenegosyo malapit sa mga scenic spot. Nagiging tahimik na muli ang town na ito. Walang maraming tao sa maluwag na kalye. Naglalaro ng mahjong o nag-uusap ang mga kasapi ng pamilyang nagpapatakbo ng tindahan.

masayang anak sa Bo'ao

Ayon sa salaysay ni Wu Enze, kalihim ng Bo'ao ng partido komunista ng Tsina na batay sa planong pangkaunlaran ng pamahalaan, ibayo pang palalakasin ang punksyon ng town sa paglilingkod sa lipunan at magsisikap para maging isang kilalang kilalang resort sa daigdig.