Ang 30-taong pagsasagawa ng patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas ay nagdulot ng malaking pagbabago sa Tsina at ang isang mabuting halimbawa ay Shenzhen, isang metropolitan sa Lalawiang Guangdong sa Timog ng Tsina, isang maliit na nayon lamang dati ito.
Noong Abril ng 1979, iminungkahi ng Lalawigang Guangdong sa sentral na pamahalaan na nagsariling pamahalaan ng ilang rehiyong malapit sa dagat ang kanilang suliranin at itayo ang espesiyal na rehiyon na katulad ng rehiyon ng kooperasyong pangkabuhayan para umakit ng pamumuhunan ng mga manngangakal na dayuhan.
Noong katapusan ng taong 1981, ang karaniwang taunang kita ng bawat pamiliya sa nayon ay umabot sa 33 libo yuan.
Kahit naging mayaman, hindi namanatag ang loob ng mga magsasaka. Nababahala sila na baka babaguhin ang patakaran. Noong taong 1984, Si Deng Xiaoping, yunanong lider ng bansa, ay naglakbay-suri sa Shenzhen at binigyan niya ng lubos na pagpapahalaga ang mga praktika ng Shenzhen at ipinangakong ipagpatuloy ang patakarang ito.
Nawala na ang mga tao ng pagkabahala at maliwanag ang nagging pagbilis ng konstruksyon. Ang Shenzhen ay lumikha ng "kabilisan ng espesyal na rehiyong administratibo " na natapos ang isang palapag ng gusali sa loob ng 3 araws at iniharap rin ang slogang "ang panahon ay kuwarta".
Ngunit, lumitaw ang bagong problema. Isinalaysay ni Huang Xingyan, manager ng Yu Feng company, na:
"Marumi saanman sa Shenzhen. At maigting ang relasyon sa pagitan ng mga kapitbahay."
Dahil sa masamang kompetasyon, naging marumi ang nayon. Noong gitnang dako ng ika-9 dekada, unti-unting dumako ang Shenzhen sa kabuhayang hay-tek mula sa labor intensive modle. Maraming telentong hay-tek ang dumating doon.
Noong taong 2000, ang proyekto ng rekonstruksyon ay inilakip sa plano ng pamahalaan hinggil sa pag-unlad. Pagkatapos ng rekonstruksyon, isinagawa ang nagkakaisang pamamahala.
|