• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-12-16 14:13:08    
Si Sang Gege at ang kanyang librong "Noong bata pa"

CRI

Kamakailan, ang isang librong pinamagatang "Noong bata pa" ay mabiling-mabili. Sa librong ito, gumuhit ang manunulat ng 89 na makulay na karikatura para mapalinawag ang kaniyang nais ipahayag at sa gayo'y kaakit-akit at madali itong basahin. Ito ang itinuturing na librong para sa mga may sapat na gulang, lalung lalo na, yong isinilang noong ika-7 hanggang ika-8 dekada ng nakaraang siglo. Isasalaysay ko sa inyo ang hinggil sa may-akda nito na si Sang Gege.

Si Sang Gege ay isang babaeng Tibetano. Isinilang siya sa Chengdu ng lalawigang Sichuan ng Tsina noong katapusan ng ika-7 dekada ng nakaraang siglo. Malugod at kawiliwiling pinalipas niya ang kaniyang pagkabata sa isang purok ng minahang pinagtrabahuhan minsan ng kanyang mga magulang. Pagka-alis ng Sichuan, namuhay minsan siya sa Beijing, Shanghai at Guangzhou. At sinabi niyang gusto niyang mamuhay sa iba't ibang lunsod. Nagtrabaho dati siya bilang aktor, modelo, mamamahayag at ngayon nagtatrabaho sa magasing "City China".

Ang "Noong Bata Pa" ay isang nobelang ang kalahati ay autobiography at ang kalahati ay fiction. Isinulat nito ang mga karanasan ni Sang Gege mula 2 hanggang 27 taong gulang sa dialect Sichuan. Isinulat ang paglalaro, pat phrase, popular na bagay at kuwento at iba pa sa mata ng isang babaeng taga-Sichuan na mahilig sa pag-uusisa ng mga di-kilalang bagay. Sa pabalat ng librong ito, isinulat niya ang pangungusap na nakasasaad: "Ang karanasan ay isang kawali ng asukal, kinain ko itong palihim." Sinabi ni Sang Gege na ang librong ito ay maaaring ituring na isang kolektibong alaala at nais niyang mapukaw ang mga alaala sa kaibuturan ng puso ng mga tao. Sinabi niyang:

"Nagtatangka akong ipakita ang pagbabago ng panahon sa librong ito. Hindi ko direktang isinulat ang pagbabago ng sistema ng bansa, sa halip, isinulat ko ang pagbabago sa minahan at pagawaan , ang pagiging purok-residensyal ang dating klab, ang pagbabago ng mga kalye at iba pa. Nais kong ipakita ang pagbabago sa pamamagitan ng mga tunay na bagay. At isinulat ko ang mga ito sa mata ng kabataan: nang maglaro ako at ang iba pang bata, biglang nakita ang calendar, ay naku, ika-9 na dekada na ngayon!"

Nang sagutin kung ang mga kuwento sa libro ay kaniyang sariling karanasan o hindi, sinabi niyang:

"Kinakaharap ng bawat manunulat ang tanong na ito at mahirap ito sagutin para sa lahat ng manunulat. Dahil tiyak na may prototype sa bawat kuwento. Pero ang mga pangyayari, tauhan at panahon ay hindi nagkakatugma sa tunay na mga ito. Para sa akin, hindi ito mahalaga, ang pinakamahalaga ay kung papaanong ipakikita ko ang gunita na naiwan sa panahong iyon sa akin sa pamamagitan ng tao at bagay na isinulat ko. "

Hindi gusto ni Sang Gege na tinawag siyang babaeng manunulat, mahiyain siya na kaharapin ang mga taong di kilala, kapag marami ang tao, nais siyang nakatayo sa sulok. Hinggil sa material enjoyment, wala siyang interes sa paghahanap nito. Dati, nakatira si Sang Gege sa bahay na 10 metrong parisukat, ikinasisiya na siya nang husto ngayon ng isang 20 metrong parisukat na bahay, sinabi niyang:

"Kumpleto at mayaman ang aking kabataan. Hindi ako isang babae sa isang saradong kastilyo na ginuguniguni na ako ay isang prinsesa, nais kong makaranas ng iba't ibang bagay. Hindi ko binibigyan ng pansin ang pananakit ng iba sa aking damdamin at mahilig ako sa paguusisa sa mga bagay na di-pamilyar. Noon bata pa, nais kong subukan ang mga bagay sa labas at sa gayo'y makakaranas ako ng mas marami kumpara sa iba pang kabataan. "

Lubos na ikinasisiya ni Sang Gege ang kaniyang kasalukuyang pamumuhay, hindi niya ipinasiyang ikabubuhay ang pagsulat sa hinaharap, baka, gagawa siya ng iba pang karera, halimbawa, pagpoprodyus ng sine, ang lahat ay posible.