Ang reporma at pagbubukas na bumago ng kapalaran ng Tsina ay sinimulan noong katapusan ng 1978, datapuwa't ang palatandaan nito ay lumitaw nang mas maaga. Noong katapusan ng 1977, napanumbalik ang kauna-unahang pambansang eksam ng Tsina para sistematikong mangalap ng mga estudyante sa pamantasan na suspendido nang 10 taon. Ito'y itinuring bilang palatandaan ng pagsasagawa ng reporma. Sa tingin ng mga mamamayang Tsino, ang reporma ng edukasyon ay may mas malalim na kaugnayan sa kanilang kapalaran.
Si Wang Xiaomin na nakatira sa Yangzhou sa dakong timog ng Tsina ay isa sa mga taong nakaranas at nakinabang sa reporma ng sistema ng edukasyon ng Tsina at dahil sa pagsasaayos ng patakaran ng edukasyon, nagbago ang kanyang kapalaran. Sinabi niya na
"Nababago ng kaalaman ang kapalaran. Nawalan minsan ang aking mga kapatid ng pagkakataon ng pagpasok sa paaralan. Datapuwa't kasunod ng reporma at pagbubukas, muling tumanggap kami ng edukasyon sa mataas na antas. Sa kasalukuyan, may mabuting trabaho kaming lahat."
Noong 1977, 5.7 milyong kabataan, maging mga may edad na ang lumahok sa naturang pambansang eksam at dahil dito, nagbago ang kapalaran ng mga tao. Sa sunud-sunod na ilang taon pagkatapos nito, ang kapalaran ng mas maraming tao at pamilya ay may kaugnayan sa ganitong eksam.
Ang panunumbalik ng sistema ng ganitong pambansang eksam ay nagsindi ng pag-asa ng lahat ng kabataang Tsino noong panahong iyon. 10 buwan pagkaraan ng kauna-unahang ganitong pambansang eksam, idinaos ang kapansin-pansing ika-3 sesyong plenaryo ng ika-11 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at mula noon, pumasok ang Tsina sa bagong panahon ng reporma at pagbubukas. Sinabi ni Deng Xiaoping, punong tagadisenyo ng reporma at pagbubukas, na
"Ang usapin ng edukasyon ay hindi lamang bahalain ng departamento ng edukasyon, dapat bahalain natin bilang pangunahing usapin ng bansa. Dapat katigan ng iba't ibang industriya ang usaping ito at buong sikap na palaganapin ito."
Mula noon, unti-unting bumubuo ang estratehiya ng pagpapasagana sa bansa sa pamamagitan ng siyensiya at edukasyon. Sa nakaraang 30 taon ng reporma at pagbubukas, ang kabuuang bilang ng mga estudyante sa pamantasan sa pamamamgitan ng ganitong eksam ay umabot ng halos 54 milyon. Ang naturang mga kabataang Tsino ay hindi lamang paungahing papel ng edukasyon, kundi nakinabang nang pinakamalaki sa reporma at pagbubukas.
Sa pamamagitan ng 30 taong pag-unald, itinatag ng Tsina ang sistema ng edukasyon na may sulong na antas sa daigdig at ito'y nagpapataas nang husto ng lebel ng edukasyon ng mga mamamayang Tsino.
Nitong ilang taong nakalipas, iniharap nang ilang beses ng pamahalaang sentral na para sa pagtugon ng kahilingan ng hanap-buhay ng lipunan, nangangailangang palakasin ang pagsasanay sa kahusayan at palawakin ang edukasyong bokasyonal sa buong lipunan. Espesyal na inihain ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina na
"Dapat lubos na paunlarin ang edukasyong bokasyonal, palakasin ang konstruksyon ng saligang kakayahan at palalimin ang reporam sa mga sistema para mahubog ang mga napakahusay na talento."
Ang pamilya ni Du Ping na nakatira sa Beijing ay nakinabang sa edukasyong bokasyonal. Si Du Jingfang ay anak na babae ni Du Ping. Nagtapos siya ng isang technical secondary school noong nakaraang 2 taon at sa kasalukuyan, nagkahahanap-buhay siya sa kawanihan ng komersyo ng Beijing. Ikinasisiya ng lahat ng pamiliyang ito ang trabaho ni Du Jingfang. Sinabi niya na
"Sa palagay ko, ang pagpasok sa pamantasan ay hindi tanging pagpili. Sinabi ng mga guro na kung hindi ideyal ang inyong pag-aaral, puwede dumako sa ibang larangan na makapagpapatingkad ng inyong kahusayan."
Noong nakaraang 30 taong sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas, komprehensibong umunlad ang lipunang Tsino, walang katulad na pinahahalagahan sa kasaysayan ng buong lipunan ang edukasyon, mabilis na lumobo ang bilang ng mga tumatanggap ng iba't ibang uri ng edukasyon, matatag ang pambansang sistema ng edukasyon at unti-unting nagiging kompleto.
|