• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-12-17 10:38:15    
Zhang Jiajie, tumatahak sa landas patungong daigdig

CRI

Zhangjiajie National Forest Park

Ang Zhangjiajie senic area ay binubuo ng Zhangjiajie National Forest Park, Suoxiyu Natural Reserves, Tianzishan Natural Reserves at iba pang scenic area.

katutubong palabas sa lokalidad

Idinaos kamakailan ang seremonya ng pagbubukas ng Hunan International Tourism Festival 2008 . Nagtipun-tipon ang mga turistang nakasuot ng damit ng pambansang minorya sa liwasan ng Laomowan sa Zhangjiajie National Forest Park. Habang nag-eenjoy ng marikit na natural na tanawin, nanonood sila ng mga katutubong palabas sa lokalidad. Masayang masaya sila sa pagkakaroon ng gayong unikong karanasan. Sinabi ng isa sa kanila na:

"Ang langit ay background at ang lupa ay nagsisilbing tanghalan,. Kay ganda ng tanawin, bagay na nagpapakita ng mayamang kulturang panlahi ng Hunan."

babae ng pambansang minorya sa Zhangjiajie

Ito ang pang-akit ng Zhangjiajie, kahanga-hanga ang mga bundok at ilog, 397 metro kuwadradong quartz sandstone landform, na natatakpan ng 98% ng gubat at hanging binubuo ng 100 libong negative oxygen ion sa bawat sentimetrong kubiko. Ang gayuma nito ay nakahalina sa mga manlalakbay sa loob at labas ng bansa.

Noong tag-sibol ng taong 1979, kinunan ni Yangfei, isang mamamahayag mula sa Xinhua News Agency ng isang serye ng larawan ang Zhangjiajie. At isa sa kanila ang inilathala sa pabalat ng National Geographic ng E.U.. Ito ang pinakamaagang larawang nagpakilala ng Zhangjiajie. Pero, para sa mga taga-Zhangjiajie, ang kanilang bayani ay ang master ng traditional Chinese painting na si Wu Guanzhong. Ganito isinalaysay ni Xiao Lingzhi, pangalawang alkalde ng lunsod ng Zhangjiajie na:

"Nang ipinta ni Wu Guanzhong sa Zhangjiajie, biglang narealisa niya na sayang ang gayong mala lalawang tanawin na hindi pa nalalaman ng mga mamamayan sa labas nito, kaya sinulat niya ang isang artikulo para pagpapakilala ng Zhangjiajie at ipinalabas pa nang panabay ang kanyang pinta. Pagkatapos nito, ang pangalang Zhangjiajie nagsimulang maging pamilyar para sa mga mamamayan ng bansa."

tanawin ng Zhangjiajie

Niyanig ng artikulo ni Wu ang sirkulong panturista ng bansa, kasunod nito, ipinadala ni Chen Fuli, isang photographer ang kanyang obra sa eksbisyon ng Royal Photographic Society ng Britanya at natamo ang pinakamataas ma gantimpala. Kauna-unahang tumunog ang pangalan ng Zhangjiajie sa Europa.

Noong taong 1982, naitatag ng Zhangjiajie ang kauna-unahang national forest park ng Tsina; noong taong 1992, kabilang ang "Wulingyuan" ng Zhangjiajie sa unang grupo ng Tsina sa listahan ng world natural heritage, noong taong 1994, ang Zhangjiajie ay naging unang lunsod sa Tsina na pinangalanan ng scenic area at naging isang klasikal na halimbawa ng tatak na panturista.

Tanawin ng Zhangjiajie

Noong taong 2001, sinimulang isagawa ng Zhangjiajie ang regulasyon ng pangangalaga sa Wulingyuan world natural heritage ng Hunan, ito ang kuna-unahang batas na panrehiyon ng Tsina sa pangangalaga sa world natural heritage. Noong taong 2004, nakipagkooperasyon ang mga may kinalamang departamento ng pamahalaang lokal sa Microsoft at itinatag ang living broadcast system sa internet. Maaaring manood ang mga turista mula sa loob at labas ng bansa ng mga tanawin ng Zhangjiajie sa aumang sandali. Ipinakikita sa paraang ito ang determinasyon ng pamahalaan ng Zhangjiajie na nakahandang tanggapin ang pagmomonitor ng mga mamamayan.

Tanawin ng Zhangjiajie

Noong ika-9 ng Setymbre ng taong ito, naitatag ang kauna-unahang five-star hotel sa Zhangjiajie, tungkol dito, sinabi ni Li Chaowen, tagapangulo ng grupo ng tagapayo ng samahang panturista ng Thailand na:

"Nakadalaw na ako sa Zhangjiajie nitong anim o pitong taong nakalipas, malaki ang pagbabago, maganda ang serbisyo ng Hotel at mabuti ang mga instalasyon sa iba't ibang aspekto. Nananatiling maganda ang mga bundok at ilog."