Ang Shenzhen ay isang microcosm ng reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas.
Dati, ito ay isang maliit na nayong nagngangalang "yumin". Ang nayong ito ay 20m lamang ang layo sa Hong Kong sa kabila ng ilog, kaya, sa nakaraan, mahirap ang pagpigil ng ilegal na pagtawid ng mga tao dito, karamihan ay mga kabataan.
Si Tang Wenbiao ay isang taga-nayon at isinalaysay niya ang tagpo noon dati sa kanyang klase:
"Maraming mag-aaral ay tumakas sa H.K., unang araw, punong-puno pa ang klase, nguni't sa susunod na araw sangkatlo ng mga mag-aaral ang nawala. "
Ano kaya ang dahilan? Walang iba, kundi kahirapan. Ayon sa imbestigasyon noong 1978, sa nayong pinakamabuti ang kabuhayan, 134 yuan lamang ang karaniwang kita ng bawat tao sa isang taon. Si Fang Bao ay nanungkulan minsan bilang ng pambayang komite ng partido komunista ng Tsina ng bayan ng Bao'an noong ika-7 dekada ng tinalikdang siglo, sinabi niyang:
"Ito ay nagpapakita ng mithiin ng mga mamamayan na humanap ng pag-unlad at kayamanan at ang sistemang isinagawa naming noon ay pumipigil sa ganitong mithiin."
Ang limitasyon ng nabanggit na sistema ay tumutukoy ng limitasyong dulot ng pinlanong ekonomya. Nguni't, sinimulan ang pagbabago.
Noong taong 2000, ang proyekto ng rekonstruksyon ay inilakip sa plano ng pamahalaan hinggil sa pag-unlad. Pagkatapos ng rekonstruksyon, isinagawa ang nagkakaisang pamamahala.
Sa kasalukuyan, ito ay isa sa mga pinakamaunlad at pinakamayamang rehiyon sa Tsina at isang metropolitan na katulad ng Shanghai.
|