30 taon na nakararaan, para sa isang karaniwang tao, ang pag-aaral sa ibayong dagat ay isang malayong bagay, dahil sa limitasyon ng mga elementong gaya ng patakaran, wika at kalagayan ng kabuhayan, hindi matutupad ang pangarap na ito ng mga tao. Nitong nakalipas na 30 taon sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, mabilis na umuunlad ang kabuhayan at lipunang Tsino, mabilis din ang hakbang tungo sa pagiging internasyonal ng edukasyong Tsino. Sa kasalukuyan, hindi mahirap na bagay ang pag-aaral sa ibayong dagat, at dumadagdag din ang bilang ng mga dayuhang nag-aaral sa Tsina.
Si Ginang Zhu Zijuan ay isang kawani ng Goethe-Institut, Peking. Noong 1999, pumunta si Zhu sa Alemanya para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Sa University Stuttgart, nag-aral si Zhu ng Graphics Design mula sa mga kilalang propesor ng Alemanya. Hindi lamang siyang nakapagtamasa ng kaligayahang napag-aaral sa ilalim ng background ng ibang kultura, kundi may maraming pagkakataong naglakbay sa maraming bansa. Sinabi niyang ang 4 na taong pag-aaral ay nagtulak sa kanya sa pagtasa muli sa kanyang sariling pamumuhay. Sinabi niyang:
"Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa iba pang bansa, maraming beses na muling nagtasa ako ng aking sarili. Walang akong takot, nagsimula ako ng bagong pamumuhay. Sa tingin ko, makakatugon ako sa iba't ibang kapaligiran at mas malalim na makapag-unawa ng kultura ng Tsina at iba pang bansa."
Ngayon, nagtatrabaho si Zhu sa larangan ng transnasyonal na pagpapalitang kultural at ang kanyang karanasan ng pag-aaral sa ibayong dagat ay nakapahalaga para sa kanyang trabahong ito.
Nitong nakalipas na ilang taon, parami nang paraming taong katulad ni Ginang Zhu ang nag-aral sa ibayong dagat at matatagpuan ang mga mag-aaral na Tsino sa apat na sulok ng daigdig. Sinabi ni Michael Scheafer, embahador ng Alemanya sa Tsina, na:
"Sa kasalukuyan, mga 30 libong estudyanteng Tsino ang nag-aaral sa Alemanya at tataas pa ang bilang nito. Ang Tsina ay naging bansang may pinakamaraming taong nag-aaral sa Alemanya na lumampas sa E.U., Pransya at iba pang bansa."
Isinalasaysay ni Ginang Zhang Xiuqin, opisyal ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, na nitong nakalipas na 30 taon, ang Tsina ay naging bansang nagpadala ng pinakamaraming estudyante sa ibayong dagat. Sinabi niyang:
"Mula 1978 hanggang 2007, umabot sa 1.2 milyon ang bilang ng mga Tsinong nag-aral sa ibayong dagat at kumalat sila sa mahigit 100 bansa at rehiyon."
Ngayon, kasabay ng pagtaas ng lebel ng pamumuhay, paglakas ng kakayahan ng wikang dayuhan at ng kasiglahan sa pagka-unawa sa daigdig, dumarami nang dumarami ang bilang ng mga Tsinong nag-aaral sa ibayong dagat. At nagpapatingkad sila ng mahalagang papel sa konstruksyong pang-modernisasyon ng Tsina. Samantala, paraming nang paraming dayuhan ang nag-aaral sa Tsina dahil sa mabilis na pag-unlad ng kabuhayan at mayamang kulturang Tsino.
Si Vikash Kumar Singh ay isa sa kanila. Si Vikash ay isang graduate ng Jawahalal Nehru University ng Indya na ang mayor niya ay wikang Tsino. Pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa Indya, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Renmin University ng Tsina. Sinabi niyang:
"Interesado ako sa tradisyonal na kulturang Tsino. Napakainteresado ng kultura ng Chinese Tea, Wine at Spring Festival, Dragon Boat Festival at iba pang tradisyonal na kapistahan. Nais kong manatili sa Tsina."
Ayon sa pagsasalaysay ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, mula 1978 hanggang 2007, natanggap ng Tsina ang 1.23 milyon person time na estudyanteng dayuhan. Hindi lamang nagbigay-ambag sila sa konstruksyon at pagpapa-unlad ng kani-kanilang bansa, kundi nagpatingkad ng mahalagang papel sa pagpapalitan at pagtutulungan ng kanilang bansa at Tsina.
|