Bilang isa sa mga pinakamatadang kaugalian ng Tsina, ang Shehuo ng lalawigang Shaanxi ay isang uri ng palabas ng bayan sa dakong hilagang kanluran ng Tsina na itanghal sa tradisyonal at panrelihiyong pestibal at nagpapatuloy ito nang ilang libong taon. Sa proseso ng pag-unlad ng modernong lipunan, nananatiling malakas ang bitalidad nito at sa pamamagitan ng mayaman at makulay na paraan, nagpapakita ito ng tradisyonal na kaugalian ng bayan.
Sa palabas bago ang seremonya ng pagbubukas ng 2008 Beijing Olympic Games, itinanghal ng mahigit 120 artista ang Shehuo at kahit 3 minuto lamang ang palabas na ito, ang maapoy na tagpo ng Shehuo na lipos ng orihinal na katutubong katangian ay totoong nakaantig ng mga manonood at nagbigay-lugod na pansining sa kanilang pandinig at patingin.
Sapul noong ika-8 dekada ng nagdaang siglo, si Wang Hong, punong Director ng nabanggit na palabas ng Shehuo at Puno ng grupo ng klasikal na sining ng Dance and Song Asemble ng Shaanxi ay nagsimulang mag-ipon ng kultural na datos ng Shehuo ng Shaanxi. Inilahad niya na
"Bilang isang matandang kaugalian ng bayan, ang Shehuo ay isang aktibidad para sa pagtitipun-tipun ng pambansang diwa sa pamamagitan ng pagpapakita ng aksyon ng diyos at mga tao. Alalaong baga'y muling inilalarawan nito ang sinaunang kasaysayan."
Ang Shehuo ay pinagsibulan ng pagsamba ng mga ninuno ng Nasyong Tsino sa lupa at apoy. Ang "She" ay diyos ng lupa at ang "huo" ay diyos ng apoy. Sa pamamagitan ng seremonya ng Shehuo, ang ninuno ng Nasyong Tsino ay nanalangin para magkaroon ng mainam na lagay ng panahon, masaganang pag-ani, maging matatag ang bansa at mayaman ang mga mamamayan. Unti-unti'y ang Shehuo ay naging aktibidad ng bayan sa pag-aalay ng mga sakripisyo at palabas sa may okasyon. Sa purok sa dakong hilagang kanluran ng Tsina, mayaman ang porma ng palabas ng Shehuo at sa mga ito, ang Shehuo ng Shaanxi ay pinakatampok at inilakip sa listahan ng pambansang intangible cultural heritage ng Tsina dahil sa mahaba ang kasaysayan, buo ang preserbasyon at iba't iba ang uri ng palabas,.
Ang mga artista ng Shehuo ay nagpapakita ng iba't ibang imahe ng diyos at multo sa pamamagitan ng ibat' ibang mask at nagpapalabas sa paraan ng opera na kinabibilangan ng pagpapakita ng mga tradisyonal na sining ng bayan na gaya ng stilt, bamboo horse, lion dance at iba pa.
Inilahad ni Wu Shuanghu, Direktor ng tanggapang kultural ng Distrito Chencang ng lunsod Baoji ng Shaanxi, na
"Pinangalanan ang Shehuo batay sa kanilang porma ng palabas. Halimbawa, ng Cheshehuo ay isang uri ng Shehuo na gamitin ang kariton. Ang kariton sa Chinese ay'Che'."
Noong nangakaraang ilang libong taon, ang Shehuo ay nagpapatuluy-tuloy sa hene-henerasyon sa malawak na masa ng mga mamamayan sa mga traisyonal na paraan. Sa modernong lipunan, umaasa ang mga tauhan ng sirkulong kultural ng Tsina na magpapalaganap ng ganitong matandang tradisyonal na kaugalian ng bayan ng Tsina sa daigdig para pasulungin ang pagpapalitan ng pambansang kultural. Ilang beses na inorganisa ni Wang ang mga artista ng Shehuo para itanghal sa mga dayuhang bansa na gaya Britanya, Alemanya, Thailand at iba pa. ang ganitong matandang kaugaliang Tsino ay nakaantig sa mga dayuhang manonood. Sinabi ni Wang na
"Nang itanghal namin ang Shehuo sa Berlin, mainit na tinanggap ang aming palabas. Higit pa'y ang aming pag-ma-make-up ay naging isang bilang ng aming programa. Ang ganitong matandang sining ng Tsina ay nakaantig sa mga manonood sa kabighanian nito at tunay na pag-ibig sa pagkatao."
Ipinalalagay ni Wang na sa proseso ng pag-unlad ng modernong lipunan, ang pagpapatuloy ng Shehuo ay nangangailangan ng walang humpay at sistematikong pananaliksik na pang-akatemiya at dapat matuto ang bagong grupo ng Shehuo sa mga matandang artista at sa prosesong ito, dapat igalang at maintindihan ang kultura ng Shehuo at sa gayong paraang lamang, saka mapapanatili ang nilalamang historikal at matandang buhay ng Shehuo ng Shaanxi sa bagong panahon.
|