Pinagsimulan ang Taijiquan sa Tsina, ito ay kaluluwa ng Chinese Wushu. Pinagsama nito ang lakas at teknik, hindi lamang maaring gamitin ito sa pagtatanggol, kundi sa pag-iwas at paggamot ng sakit at pagpapalakas ng katawan. Nasa bundok ng Qingfengling sa bayang Wen ng lalawigang Henan, sa dakong gitna ng Tsina, ang Chenjiagou, lupang-tinubuan ng Taijiquan. Hindi malaki ang nayong ito, bumabagtas ang ilog Huanghe sa dakong timog ng nayon, may 600 pamilya, mahigit 2500 residente sa nayong ito at ang nakararami sa kanila ay magsasaka.
Nagpapraktis ng Taijiquan ang mga taga-nayon
Bawat araw, nang lumubog ang araw, sinimulang magpraktis ng Taijiquan ang mga taga-nayon. Bagama't walang kilalang kilala na bundok o ilog ang nayon, kilala ito sa mga bantog na Wushu master. Sapul nang lumika ng Taijiquan si Chen Wangting, isang taga-Chenjiagou noong katapusan ng Ming Dynasty, magkakasunod na lumitaw ang maraming master ng Taijiquan sa Chenjiagou.
Lumakad sa kalye ng Chenjiagou, nakakaramdam kayo ng makapal na atmospera ng Wushu. Naakit nito ang maraming fans ng Wushu. Sinimulang magpraktis ng Taijiquan si Bob, isang manggagamot na Amerikano mula 15 taong gulang, at mahigit 50 taong gulang na siya ngayon. Dumating siya ng Chenjiagou noong taong 2004 at nagsimulang matuto ng Taijiquan kay Wang Xi'an, isang reprensentatibong personahe ng Taijiquan. Pagkaraan ng ilang taon, nagkaroon siya ng lubos na pagkaunawa sa kakanggata ng Wushu.
"sa proseso ng paglalaro, parang ginagamit ng tao ang lakas, sa katunayan, masyado siyang naging pampalubag-loob. Ito ang isang pagkakaiba sa pagitan ng Taijiquan at iba pang boksing, na nananabik na maging malakas ang laman. Pero, nagtatampok ang Taijiquan sa pagpapalubay sa loob. Ito nga ang dahilan kung bakit hindi lamang naangkop ito sa pagsalakay at pagtatanggol, kundi nakakabuti sa kalusugan."
dumarami nang dumarami ang fans ng Taijiquan
Ngayon, dumarami nang dumarami ang fans ng Taijiquan katulad ni Bob na pumunta sa Chenjiagou para matuto sa Taijiquan. Sapul noong Marso ng taong 1981, nang makabisita sa Chengjiagou ang grupong pinamunuan ni Miura Hideo, direkor ng samahan ng Taijiquan ng Hapon, magkakasunod na nakatanggap ang Chenjiagou ng mahigit 100 grupo ng Wushu na galing sa mahigit 50 bansa at rehiyon. Noong Mayo ng taong 1983, dumalaw sa Hapon si Wang Xi'an, bagay na naging milestone ng Taijiquan sa paglabas ng bansa at pakikipagpalitan sa pandaigdigang sirkulo ng Wushu. Si Yan Sujie ay direktor ng instituto ng Taijiquan ng Chenjiagou, sinabi niyang
"Gustong gusto ng mga mamamayang dayuhan ang Taijiquan at kapag pinili niya ang Taijiquan, mananangan sila sa pagpraktis nito at hindi magbabago. Si Noguti Atsuko, isang Hapones ay natututo na nang 28 taon ng Taijiquan kay Wang Xi'an."
bato para sa pagpapraktis ng lakas
Sa Chenjiagou, may isang payak na Chinese Countyard, ito ay isang lugar para sa mga taga-nayon na nagpapraktis ng Wushu. Sa bakuran, may isang malaking bato ang nakatawag ng malaking pansin ng mga turista, sinasabi na ito ay kagamitan para sa pagpapraktis ng mga tao upang maging mas matipuno. Paulit-ulit binubuhat ng mga taga-praktis ang 80 kilogram na batong ito at dahil dito, naging makintab ang magkabilang gilid ng bato.
Sa isang lugar na mga 500 metro ang layo sa dakong kanluran ng bakurang ito, nakatayo ang instituto ng Wushu ng Chenjiagou. Nahubog dito ang mahigit isang daang kampeon sa pandaigdigang kapistahan ng Wushu at ipinadala ang mahigit 30 tagsanay ng Taijiquan sa daigdig. Ayon sa salaysay, ang pagpapraktis ng Taijiquan ay nakakabuti sa mga kabataan sa pagpapadebelop ng utak at ganap na pag-unlad ng intelehensiya at katawan. Si Zhangdan, isang tagasanay sa instituto na
"Mahinang mahina ako nang 13 o 14 taong gulang ako't masasakit. Nawalan ako ngayon ng lahat ng sakit, ang praktis ng wushu ay nakakabuti sa kalusugan."
|