Dear Seksiyong Pilipino;
Maligayang Pasko!!! Sana ay kung gaano namin kasayang ipinagdidiriwang ang pasko ay siyan rin kasaya ang pagdiriwang ninyo riyan. Kumusta naman ang mga naging mga paghahanda ninyo? Balita ko'y napakalaginaw na riyan sa Beijing. Sa Baguio maginaw rin, bumagsak din ng 9 degrees ang temperatura. Gayunpaman, sana'y malusog nating ipagdidiriwang ang Kapaskuhan.
Gusto ko ring ipaabot ang aking pagbati sa lahat ng Pilipino sa labas ng bansa. I hope you celebrate Christmas as merry as we do here. Nasa kalamigan man kayo ng Europa at Amerika, o sa Asya at Middle East, Merry Christmas sa inyo. Siyempre, si Kuya Ramon at ang Serbisyo ay naririyan upang aliwin tayo, mapa-music man o heartwarming messages at dedications. Mapa- Christmas o hindi, nariyan sila para sa atin.
Patuloy man ang krisis pang-ekonomiya sa mundo ngayon, hinding-hindi nito ang diwa ng Pasko dahil alam natin kung paano natin isantabi ang mga bagay-bagay. Hindi kailanman masisira ng pagkakamali ng tao ang isang pagdiriwang na nagpapaalala sa atin ng pagsilang ni Hesukristo.
Muli, nais ko kayong batiin ng "Maligayang Pasko!"
Randolfh Empredo Benguet State University/Baguio City
|