Nitong 30 taong nakalipas sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma't pagbubukas sa labas, patuloy sa pagpapasulong ng pakikipagpalitan at pakikipagtutulungang panlabas nito ang People's Liberation Army o PLA. Hanggang sa kasalukuyan, naitatag na ng Tsina, kasama ang mahigit 150 bansang dayuhan, ang relasyong militar at meron itong taunang pagsasangguniang pandepensa at panseguridad sa ilampung bansang dayuhan.
Nitong 30 taong nakalipas, padalas ang direktang pakikilahok ng mga mataas na opisyal ng hukbong Tsino sa mga pagpapalitang militar ng Tsina at mga bansang dayuhan.
Ang mga karaniwang kawal na Tsino ay aktibo rin sa pakikipagpalitan sa kanilang mga counterpart na dayuhan sa pamamagitan ng iba't ibang paraan na gaya ng pagsasanay na militar.
Noong Oktubre, taong 2002, sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ang PLA, kasama ang panig dayuhan, ng magkasanib na pagsasanay militar. Mula noon hanggang sa kasalukuyan, naglunsad ang Tsina, kasama ang 11 bansang dayuhan, ng 16 na magkasanib na pagsasanay militar sa loob ng Tsina, o sa loob ng mga bansang dayuhan o sa dagat na pandaigdig.
Sa buwang ito, idinaos sa Belgaum, India, ang magkasanib na pagsasanay ng Tsina't India laban sa terorismo. Nitong nagdaang Setyempre naman, naglunsad ang panig militar ng Tsina ng pagsasanay sa Inner Mongolia ng Tsina at ang mga delegasyong militar at tagamasid mula sa 36 bansa ay inanyayahang manood sa pagsasanay. At ito ay ang ika-anim na paanyaya ng panig militar ng Tsina sa mga counterpart na dayuhan na manood ng pagsasanay na Tsino. Kaugnay nito, ganito ang koment ni G. Gao Zugui, dalubhasa mula sa China Institutes of Contemporary International Relations o CICIR.
"Ang mga magkasanib na pagsasanay ng Tsina at mga bansang dayuhan ay nagpapakita ng pagbubukas at kompiyensa sa sarili ng hukbong Tsino pagdating sa pakikipagpalitan nito sa panig dayuhan. Salamat sa ganitong mga pagpapalitan, napapahigpit ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan ng Tsina at iba pang mga bansa at nakakatulong ito sa magkakasamang pagharap ng komunidad ng daigdig sa mga hamong pandaigdig."
Ang paglahok sa mga operasyong pamayapa ng United Nations ay isa pang mahalagang bahagi ng diplomasyang militar ng Tsina. Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 8000 tauhan ang naipadala ng panig Tsino sa mga misyong pamayapa ng UN at sa lahat ng pirmihang miyembro ng UN Security Council, ang Tsina ay ang bansa na nagpadala ng pinakamaraming personahe sa mga misyong pamayapa ng UN.
Noong taong 2007, isinumite ng Tsina sa UN ang ulat hinggil sa guguling militar nito at sa taong ito, isinumite uli ng Tsina sa UN ang katulad na ulat.
Sapul noong taong 1995, magkakasunod na isinapubliko ng Tsina ang 6 na white paper na pandepensa. Ipinalabas din ng Tsina ang white paper hinggil sa arms control at paglaban sa nuclear proliferation.
kaugnay ng dahilan ng pasigla nang pasiglang diplomasyong militar ng Tsina. Ganito ang sinabi ni G. Meng Xiangqing, dalubhasa mula sa PLA University of National Defence.
"Salamat sa mainam na kapaligiran na bunga ng pambansang reporma't pagbubukas, pasigla nang pasigla ang diplomasyong militar ng Tsina at ipinakikita ng pasiglang diplomasyang militar ng Tsina ang magandang imahe ng hukbong Tsino na nagmamahal at nangangalaga sa kapayapaan."
|