• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-12-30 16:07:50    
Zhang Yimou: mula manggagawa sa pagiging kilalang direktor

CRI

Sanhi ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina 30 taon na ang nakararaan, nagbago ang kapalaran ni Zhang Yimou at nagi siyang isang bantog na direktor sa daigdig mula isang manggagawa ng pabrika ng paghahabi, at dahil sa kanya, nagbago naman ang imahe at katayuan ng sineng Tsino sa daigdig.

Kamakailan, dumating si Zhang Yimou ng Beijing Film Academy para tanggapin ang Degri ng Pandangal na Doktor ng Boston University ng E.U.. Doon sa Beijing Film Academy, natapos ni Zhang ang kanyang pag-aaral ng photography. 30 taon na ang nakararaan, ang pagkapasok niya sa Beijing Film Academy ay bumago ng kanyang kapalaran. Sinabi niyang:

"Hanggang ngayon, pinasasalamatan ko ang aking paaralan at mga guro. Pinasasalamatan ko rin ang panahong ito. Lagi kong iniisp papaano akong naging isang direktor, ang panahon at lipunan ang siyang bumago ng aking kapalaran. "

Bago ang pag-aaral sa Beijing Film Academy, nagtrabaho si Zhang Yimou sa isang pabrika ng paghahabi. Noong 1977, pinanumbalik ang college entrance examination ng Tsina. Dahil sa kanyang masikap na preparasyon at mayamang karanasan, nakapasa siya sa pagsusulit ng Beijing Film Academy. Ayon sa kanyang kaklase noon, si Zhang Yimou ay pinakamatanda at pinakamasikap sa klase.

Noong 1982, nagtrabaho si Zhang sa Guangxi Film Studio bilang isang litratista. Doon, pumubandit ang lahat ng kaniyang kasiglahang nakatago nang maraming taon. Binusog ng mga sine "isa at walo" at "Yellow Earth" kung saan gumanap siya bilang litratista ng bagong kasiglahan ang industriya ng sine ng Tsina. Sa "Yellow Earth", gumamit si Zhang ng matingkad na kulay para isalaysay ang mga kuwento sa Yellow Earth ng Kanlurang Tsina.

Noong 1987, gumawa si Zhang ng kanyang kauna-unahang sine "Red Sorghum". Pagkakita ng tagapangulo ng Berlin film festival ng sineng ito, buong damdaming sinabi niyang: "Ito nga ang sineng ginugusto ng Berlin film festival!" Kaya, natamo ng "Red Sorghum" ang Golden Bear noong 1988 at ito ang kauna-unahang gantimpalang natamo ng Tsina sa 4 na film festival ng daigdig.

Pagkatapos, sinalubong ni Zhang Yimou ang kasukdulan ng kanyang karera. Sa susunod na mga 20 taon, bawat tao'y may bago siyang pelikulang lumalabas at ang bawat na kanyang sine ay nagdulot ng sopresa para sa mga manonood. Ang "Not one less", "Hero", "House of Flying Daggers", "Curse of the Golden Flower" at iba pa ay kilalang kilala sa hanay ng mga manonood.

Itinuring ng Entertainment Weekly ng E.U. si Zhang Yimou na isa sa 20 bantog na direktor ng daigdig. Kasi dahil sa kanya, pumasok ang sineng Tsino sa pamihilang dayuhan at kauna-unahang naunawaan ng mga manonood na Tsino ang pagkakaiba sa pagitan ng sine at iba pang sining sa esensiya. Bilang tugon sa mga kapurihan, sinabi ni Zhang na:

"Minamahal ko ang sine. Hindi ko hinahabol ang karangalan o pakinabang. Pinasasalamatan ko ang panahon at kapalaran. Ang hirap talaga para maging isang derektor! Sa palagay ko, hindi dapat aksayahin ang oras at hindi dapat gumawa nang padaskul-daskol ng anumang gawain. "

Sa 2008 Beijing Olympic Games, nanungkulan si Zhang bilang pangkalahatang direktor ng seremonya ng pagbubukas at pagpipinid ng Olympiyada. Sa seremonya, buong husay na ipinakita niya ang kulturang Tsino at natamo ang mataas na pagtasa mula sa loob at labas ng bansa. Kahit matagumpay siya, nananatili siyang mapagpakumbaba. Sinabi niyang:

"Hindi kailanma'y mapagmataas ako. Kasi, alam ko na binigyan ako ng panahon ng pagkakataon, kung hindi mauland at malakas ang bansa, imposibleng idinaos natin ang Olympic Games. Nakaranas ako ng lahat ng mahihirap na panahon. Nang bigyan ako ng panahon ng pagkakataon, lagi ko pinahahalagahan ang bawat araw at hanggang ngayo'y ipinalalagay kong dinapuan ako ng magandang kapalaran.