• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-12-30 18:57:27    
Si Li Yining, tagapaguna ng joint-stock system sa Tsina

CRI

Ang pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas sa labas ay tumagal nang 30 taon at sa prosesong ito, ang pagpapasok ng joint-stock system sa pagpapaunlad ng ekomoniya na iniharap ni skolar Li Yining ay nakaranas sa iba't ibang pagsubok. Ang pagsasagawa ng joint-stock system ay nagpasulong ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan at ngayon, ang sistemang ito ay malalim na nakaugat na sa puso ng mga mamamayan.

Si Li Yining ay punong pandangal ng Guanghua School of Management ng Peking University, pirmihang kagawad ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino at pangalawang Direktor ng lupong pangkabuhayan nito.

Si Li Yining ay isinilang noong 1930 at pagkatapos ng kanyang kurso sa School of Economics ng Peking University noong ika-5 dekada ng nagdaang siglo, siya ay naging isang guro ng alma mater.

Noong 1980, kauna-unahang iniharap ni Li ang pagsasagawa ng joint-stock system sa isang simposiyum hinggil sa kung papaanong isasagawa ang reporma sa sistemang pangkabuhayan. Noong panahong iyon, nawalan ng karapat-dapat na kasiglahan ang mga bahay-kalakal na ari ng estado at upang lutasin ang isyung ito, kailangang-kailangang isagawa ang reporma sa umiiral noong sistema. Iniharap ni Li na dapat gamitin ang joint-stock system. Sinabi niya na

"Sa palagay ko, dapat gamitin ang joint-stock system. Dahil malulutas ng sistemang ito ang isyu ng karapatan sa pagmamay-ari at maaaring lumitaw ang isang bagong kalagayang gawing pangunahin ang pamilihan. Kung isasagawa ang reporma at pagbubukas, dapat isagawa ang joint-stock system."

Noong katapusan ng ika-8 dekada ng nagdaang siglo, sinimulang isagawa ng Tsina ang pilot project sa joint-stock system. At kasabay nito, ilang bahay-kalakal ang dumako sa joint-stock system mula contract system. Noong 1990, itinatag ng Tsina ang unang stock exchange organ-Shanghai Stock Exchange at mula noon, unti-unting kumalat sa buong bansa ang joint-stock system.

Pagkaraang pumasok sa ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, lumitaw ang kalagayan ng pagiging labis na mainit ng paglaki ng kabuhayan ng Tsina at nanatiling mataas ang inflation nitong nagdaang ilang taong singkad at sa gayo'y naharap ang katatagan at sustenableng pag-unlad ng kabuhayang Tsino sa hamon. Kaugnay ng kalagayang ito, unang iniharap ni Li ang ideya ng pagpapauna ng hanap-buhay. Sinabi niya na(sound)

"Dapat makitang ang isyu ng unemployment ay isang problema ng Tsina na dapat lutasin sa mahabang panahon at dapat unang lutasin ito. Kung hindi, magdudulot ito sa mahabang panahon ng di-matatag na elemento sa kabuhayan at lipunan ng bansa."

Noong 1992 at 1993, isinapubliko ng partido kumunista ng Tsina ang ilang patakaran para pasiglahin ang pag-unlad ng kabuhayang pribado at kabuhayang pinatatakbo ng pondong dayuhan at sa ilalim ng pamamatnubay ng patakarang ito, sinimulan ang mabilis na pag-unlad ng non-public ownership economy ng Tsina, lalo na ng kabuhayang pribado at sa gayo'y nagbukas ito ng bagong tsanel sa paglutas ng isyu ng kawalan ng trabaho.(sound)

"Ang walang humpay na pag-unlad ng mga pribadong bahay-kalakal ay hindi lamang lubos na nagpapasulong ng pamilihang Tsino, kundi nakakatulong sa paglutas ng isyu ng hanap-buhay. Mahigit 70% ng karagdagang trabahador ang nasa mga bahay-kalakal na pribado."

Sinabi ni Li na sa kasalukuyan, kinakatigan at malalim na pinauunlad ang pribadong bahay-kalakal na nakakatulong sa pagpapalawak ng pamilihan sa loob ng bansa at paglutas ng ilang isyu ng Tsina na bunga ng epetko ng pandaigdig na krisis na pinansiyal.

30 taon na ang pagsasagawa ng reporma at pagbubukas ng Tsina. Ang mga natamong bunga nito ay kilala ng lahat. Datapuwa't umiiral pa ang ilang porblema. Ipinalalagay ni Li na sa kasalukuyan, ang isyung kailangang-kailangang lutasin ng Tsina ay pabutihin ang sistemang panggarantiya.

"Sa tingin ko, ang mga isyu na kailangang-kailangang lutasin ay pabilisin ang pagpapabuti ng sistema ng social security at kasabay nito, gamitin ang mga mas mabisa at aktuwal na hakbanging nakakatugon sa mga isyu na pinahahalagahan ng lahat ng mga mamamayang Tsino na gaya ng garantiyang pangkalusugan at ng edukasyon at hanay-buhay."

Ipinalalagay ni Li na dapat pabutihin ang sistema ng social security at sa gayong paraang lamang, wala na pangangamba ang mga tao sa kinabukasan at saka lamang makakagastos sila ng mas maraming salapi at enerhiya sa aksyong pangkabuhayan at sa gayo'y mapasulong ang ibayo pang pag-unlad ng lipunan at kabuhayan.