Ang Beibu Bay Economic Zone ng Rehiyong Autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ay nasa baybayin sa timog kanlurang Tsina at ito ay binubuo ng Nanning, Punong lunsod ng Guangxi at 3 port cities——Beihai, Qinzhou at Fangchenggang. May mga mabuting puwerto dito at mabuting kondisyon para sa pagpapaunlad ng turismo, pagpapalugad ng yamang panturista, yamang pandagat, yamang mineral at yaman ng mga halaman at hayop.
Noong Marso ng 2006, itinakda ng pamahalaan ng Guangxi ang Nanning, Beihai, Qinzhou at Fangchenggang para bumuo ng Beibu Bay Economic Zone. Noong ika-16 ng Enero ng 2008, naaprobahan ng Pamahalaang Snetral ang "Plano ng pagpapaunlad ng Beibu Bay Economic Zone sa Guangxi" at ito ay sumagisag na ang pagbubukas at pagpapalugad ng Beibu Bay ay opisiyal na naging pambansang estratehiya. Ang Beibu Bay ay naging isa pang rehiyong pangkabuhayan sa baybayin ng Tsina na nakakakita ng mabilis na pag-unlad kasunod ng Delta ng Ilog Yangtsi, Delta ng Ilog Zhujiang at Bohai Economic Circle.
Ang mga puwerto ay mahalagang batayan ng pag-unlad ng Beibu Bay at ang 3 puwerto ng Beibu Bay——Beihai, Qinzhou at Fangchenggang ay nagiging mahalagang port ng kalakalan ng Tsina at ASEAN sa dagat.
Sa hinaharap, bubuuin ang isang three-dimensional na net ng transpotasyon at komunikasyon sa zonang pangkabuhayan sa Beibu Bay ng Guangxi.
|