Kahapon ng hapon, bumisita ang mga mag-aaral taga-Sichuan sa Chiang Kai Shek College sa Maynila. Kasabay ng pagpasok nila, agarang nalipos ng kaligayahan ang 70-taong gulang na kolehiyo ng Pilipinas at dumagundong sa kampus ang tinig na "Suportahan namin ang mga kaibigan taga-Sichuan at hayaang magkakasamang umabante tayong lahat!"
Sa kolehyo, nagpalipas ang sandaang estudyanteng Tsino at sandaang estudyanteng Pilipino ng masayang hapon. Sa simula, dahil hindi pa kilala, medyo matimpi ang mga bata, pero, pagkaraan ng tatlong interactive game, nakisalamuha sila sa isa't isa.
Sinabi ng direktor ng Chiang Kai Shek College na ikinalulugod niyang makita na nagpakasaya ang mga bata tulad ng mataimtim na magkakapatid. Sinabi niya na malat ang tinig niya dahil sa pag-cheer up para sa kanila. Umaasa aniya siyang lalakas pa ang loob ng mga batang nabiktima ng lindol dahil sa Pilipinas, sinusuportahan sila ng mga kasing-edad na Pilipino.
|