Sinabi kahapon ni G. Deng Xijun, Charge De Affaires ad Interim ng Emabahadang Tsino, na nang maganap ang super-lindol sa Sichuan noong nagdaang Mayo, kahit malayo ang mga staff sa inang-bayan, abot-abot nila ang nararamdaman at nararanasan ng mga kababayang Tsino at agaran silang nagpadala ng kanilang suportang pinansyal at materyal sa mga apektadong kababayan. Samantala, ang 2.5 milyong Chinese-Filipino, kasama ang mga Pilipino sa iba't ibang saray, ay nag-abuloy ng salapi at materyal sa pamamagitan ng embahadang Tsino. Ang lahat ng mga ito ay nagpapakita ng magkakadugong pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino at Pilipino.
Ayon sa pinakahuling estadistika, umabot na sa 33.29 na milyong Yuan RMB o 4.76 na milyong dolyares ang kabuuang donasyon mula sa panig di-pampamahalaan ng Pilipinas at lampas na sa 6,700 ang bilang ng kanilang inabuloy na tolda. Ang biyahe ng mga estudyanteng taga-Sichuan sa Pilipinas sa paanyaya ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay isa sa mga morale booster ng panig Pilipino sa mga kaibigang Tsino na nasalanta ng lindol.
|